Alden maraming nahawaan ng sakit
Alden maraming nahawaan ng sakit
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2015 - 9:00am

PIK: Naliwanagan ang movie press sa maayos na eksplanasyon ni Atty. Lorna Kapunan na mas matindi pala ang Cyber Libel kaysa sa Libel na madalas na ikinakaso sa mga reporter.           

Napag-usapan kasi ang kasong isinampa ni Liz Uy laban kay Michael Sy Lim ng Fashion Pulis na isa sa unang nasampahan ng Cyber Libel.

Pahayag ni Atty. Kapunan; “In Cyber Libel mas matindi ‘yan. Kung ang penalty sa Revised Penal Code ay 6 months to 6 years. Sa Cyber Libel that is one degree higher. That means 6 years to 10 years per count. Six counts ang na-file namin.”

Ang tinutukoy niyang Libel ay ang isinampa ni Liz Uy sa Fashion Pulis dahil sa bawat post nito na lumabas sa kanyang blog, Twitter, Instagram, at F­acebook, may bilang ‘yun sa isinampa nilang kaso. Kaya mas mabigat daw iyun kesa sa dating Libel na lumalabas lang sa diyaryo.

Kaya dapat na mas maingat daw ngayon ang mga nagsusulat online.

Isa iyun sa gustong isusog ni Atty. Kapunan kung papalarin siya sa Senado dahil mas matindi raw ang epekto sa mga taong nasira sa mga isinusulat online.

PAK: Nahawa raw si AiAi delas Alas ng sakit ni Alden Richards kaya natuluyan na rin itong nagkasakit.

Hindi natuloy ang Kapuso Comedy Queen sa taping ng CelebriTV kahapon dahil nawalan ito ng boses. Nagkasakit na rin siya dahil tingin daw niya nahawa siya sa anak niyang madalas na nilalaro ni Alden sa shooting nila ng My Bebe Love.

Nagkasakit na rin kasi ang bagets na madalas na kasama ni AiAi kaya doon siya nahawa.

Nawalan na ito ng boses, kaya pinayuhan ng doktor na magpahinga na muna.

BOOM: Isinantabi na muna ni Dingdong Avanzado ang political ambition niya dahil gusto na raw sana niyang magka-baby sila uli ni Jessa Zaragoza.

Matagal na sana nilang gustong magka-baby uli dahil 12 years old na ang nag-iisa nilang anak na si Jayda, pero madalas daw silang nagbibiyahe at pareho silang abala sa kanilang career.

Kinukulit na nga raw ni Dingdong si Jessa na magka-baby na sila pero hinamon daw ito ni Jessa na magpapabuntis siya uli kapag hindi na pulitiko si Dingdong. Kaya hindi nag-file si Dingdong ng Certificate of Candidacy niya dahil gusto niyang mag-focus na muna sa pamilya at magka-baby na sila uli si Jessa.

Kaya na-pressure raw si Jessa na kailangan na siyang mabuntis dahil hindi na tatakbo si Dingdong bilang Vice Governor ng Siquijor.

“Itong first quarter hindi pa siguro, kasi madami pang mangyayari. Baka konting push pa.

“Kasi ganun ako eh, kapag meron akong gustong gawin, gusto ko munang tapusin. Malaking responsibility kasi ang pagiging ina sa maliit na bata,” pahayag ni Jessa.

Isa nga raw sa pagkakaabalahan nila next year ay ang concert niyang I Am Me na gaganapin sa Music Museum sa January 15, 2016.

Si Dingdong din ang magdidirek nito at isa sa special guest ang anak nilang si Jayda na magaling ding kumanta.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG CYBER LIBEL DAHIL FASHION PULIS JESSA KAYA LIZ UY NBSP STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with