^

PSN Showbiz

Korina nagpaka-singer para sa press!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nasorpresa ang mga showbiz reporter na dumalo sa thanksgiving party ng mag-asawang Mar Roxas at Korina Sanchez noong Miyerkoles sa isang bagong bukas na hotel sa Cubao.

Hindi kasi nila inaasahan na marunong kumanta si Mama Koring na bumanat ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko na inialay niya sa kanyang asawa.

Hindi ko pinagdudahan ang singing talent ni Mama Koring dahil kumakanta sila ni Ted Failon sa dating radio program nila. Parang Ali Sotto at A­rnold Clavio din sina Mama Koring at Papa Ted dahil may kantahan portion sa radio show nina Ali at Arnold sa dzbb.

Invited ako sa thanksgiving party pero hindi ako nakapunta. Maraming salamat kay Chuck Gomez dahil nakarating sa akin ang ipinadala niya na giveaways  nina Mama Koring at Papa Mar.

Alam ko na nagpunta sa thanksgiving party nina Mama Koring at Papa Mar si Mother Lily Monteverde dahil nakausap ko ito at pinipilit din niya ako na umapir.

Si Papa Mar ang presidentiable na susuportahan ni Mother Lily kaya umapir ito noon sa proclamation kay Papa Mar bilang standard bearer ng Liberal Party.

Alfred mahilig mamigay ng poinsettia  

Hindi ako nagtaka nang malaman ko na si Papa Mar ang presidentiable na susuportahan ni Alfred Vargas.

Ipinagpaalam sa akin ni Alfred ang kanyang desisyon bilang ako ang manager niya.

Magiging madalas ang pagsasama nina Papa Mar at Alfred dahil sasama ito sa pangangampanya ng Roxas-Leni Robredo team.

Malaking blessing na unopposed si Alfred sa congressional race sa District V ng Quezon City dahil may panahon siya para tumulong sa campaign ng ibang mga kaibigan niya na kandidato sa eleksyon sa 2016.

Natanggap ko na nga pala ang sangka­tutak na poinsettia flowers na ipinadala sa akin ni Alfred kaya ang ganda-ganda ng paligid ng bahay ko. Mula nang maging alaga ko si Alfred, ang poinsettia flowers ang every year na Christmas gift niya sa akin. Feel na feel ko ang Pasko kapag nakikita ko ang magagandang bulaklak ng poinsettia na ipinadadala sa akin ni Alfred tuwing December 1.

First night ng concert ni Sarah tiyak na world class performance

Mamaya na ang unang gabi ng From The Top, ang major concert ni Sa­rah Geronimo sa Smart Araneta Coliseum.

Walang pangako si Sarah na hindi nito tinupad kaya makakaasa ang mga manonood ng From The Top na world class performance ang ibibigay niya.

Nasabik nang husto kay Sarah ang fans dahil once a year lamang ang kanyang mga concert na talagang pinaghahandaan niya at inaabangan ng madlang-bayan.

ACIRC

ALFRED

ALIGN

ANG

FROM THE TOP

LEFT

MAMA KORING

NIYA

PAPA MAR

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with