Mga loveteam mas inaabangan sa MMFF!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2015 - 9:00am

Mukhang marami sa mga Metro Manila Film Festival (MMFF) movie ay may loveteam sa kanilang cast. Nasa My Pabebe Love, Kilig Pa More ang AlDub tandem nina Alden Richards at Maine Mendoza. Hindi rin pumayag si direk Wenn Deramas na hindi makasama sa Beauty and the Bestie nina Vice Ganda at Coco Martin ang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre.

Sa dalawang movie pa lamang na mga ito ay butas na ang bulsa ng moviegoers, paano pa ‘yung natitirang pinagaganda rin?

Davao Mayor Duterte biglang ‘humina’ sa mga Katoliko

Makakaapekto talaga ng malaki kay Davao Mayor Rodrigo Duterte ‘yung ginawa niyang pagmumura kay Pope Francis na may kinalaman sa malubhang problema ng trapiko sa bansa.

I’m sure maski siya ay nagwi-wish na sana ay hindi na niya inihabol ang pagpa-file ng kanyang COC.  Ang dami yatang Katoliko sa bansa!

Nora may kailangan pa ring patunayan

Isa sa pinakakaabangang teleserye ng GMA ang Little Nanay hindi dahil kay Superstar Nora Aunor kundi kung maiaangat ba ng istasyon ang role nito na suporta lamang ni Kris Bernal na mahirap ang role sa istorya.

Malaki ang expectation ng manonood na hindi lamang magsisilbing one of those si Nora at mamimintina ang kanyang estado bilang aktres sa nasabing drama.

ALDEN RICHARDS ANG BEAUTY AND THE BESTIE COCO MARTIN DAVAO MAYOR DUTERTE DAVAO MAYOR RODRIGO DUTERTE JAMES REID KATOLIKO KILIG PA MORE KRIS BERNAL LITTLE NANAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with