Aktor nanggalaiti sa kapatid na paiba-iba ng lalaki!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2015 - 9:00am

Kung pagbabasehan ang mga sagot ng isang magaling na aktor, hindi ito pabor sa bagong karelasyon ng kapatid niyang aktres. Napamura kasi ang aktor nang marinig sa isang reporter na parang kinumpirma ng aktres na sila na ng bagong karelasyon.

In fairness sa magaling na aktor, hindi ang kapatid at ang bago nitong karelasyon ang kanyang minura, napamura siya sa relasyon ng dalawa. Pero wala raw siyang magagawa at hindi niya mapipigilan ang ka­patid kung mahal nito ang bagong karelas­yon.

Aminado rin ang magaling na aktor na mas gusto niya ang ex-BF ng kapatid, ‘yun nga lang, on and off ang relasyon ng dalawa at tila walang pinatutunguhan. Pero umaasa pa rin ang magaling na aktor na in the future, ang pinapaboran niyang ex-BF ng kapatid ang makakatuluyan nito.

Pagpapa-picture ni Jeron Teng sa standee ni Maine, dawit si Jane

Nagpa-picture lang si Jeron Teng sa McDo standee ni Maine Mendoza na nakaakbay, inulan na ito ng katakut-takot na isyu. Ang sabi, break na raw sina Jeron at Star Magic talent na si Jane Oineza, kaya nali-link ito sa ibang girls.

After magpa-picture sa McDo standee ni Maine, pinost pa ni Jeron sa Instagram (IG) ang picture niya, kaya ayun at nag-react ang fans nila ni Jane at may mga nag-comment ng hindi maganda patungkol kay Maine.

Nag-react naman ang fans ni Maine, ‘wag daw itong idadamay sa isyu nina Jeron at Jane at labas ito sa dalawa. Kaya lang, may fans si Maine na kinilig sa posibilidad na maka-love team nito si Jeron at puwede raw itong ipasok sa Kalyeserye bilang ka-love triangle ng AlDub.

LJ pahinga na sa pagpapa-sexy

Mukhang hindi pa ready si LJ Reyes na pag-usapan si Paolo Contis at ang relasyon nila dahil nang hiritan naming iinterbyuhin siya after sana ng Christmas Party ng PPL Entertainment ay bigla itong nawala.

Sayang dahil tatanungin sana namin si LJ kung totoong tinalikuran na niya ang paggawa ng sexy movies at last na niya ang Anino Sa Likod ng Buwan. At kung totoo ito, ano ang kanyang rason. Kaya dapat palang mapanood namin ang movie ni director Jun Lana na ipalalabas sa Sabado sa CCP, after ng book launching ng libro ni Noel Ferrer na Mag-Artista Ka! na birthday celebration na rin nito.

Sana rin, bumalik pa sa Marimar ang karakter niyang si Inocencia na nakakatawa at nakakainis at the same time. Sa December 25 ang birthday niya.

ACIRC ANG ANINO SA LIKOD CHRISTMAS PARTY JANE OINEZA JERON JERON TENG JUN LANA KAYA MAG-ARTISTA KA MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with