Mariel tanggap na walang suwerte sa anak!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2015 - 9:00am

Napakalaking hirap at depresyon ang naranasan ni Mariel Rodriguez pagkatapos makunan ng dalawang beses ilang b­uwan na ang nakalilipas.

Nagpapasalamat ang aktres sa asawang si Robin Padilla na s­iyang katuwang sa lahat ng mga pangyayari sa buhay. “The first time, I thought it was the most painful thing that has happened to me because finally when I decided that I want to have a baby, it happened. Iyon pala hindi pa, iyon ang pinakamasakit. Naging okay kasi I’m so blessed kasi si Robin was really supportive,” emosyonal na pahayag ni Mariel.

“Iyon talaga, hindi man ako sinuwerte na magkaroon ng anak ngayon, pero sobra akong swerte sa asawa,” dagdag ng aktres.

March nitong taon nang unang nakunan si Mariel at August naman ang pangalawang beses na dapat sana ay triplets na ang kanilang magiging mga anak ni Robin.

Mas masakit daw ang pagkawala ng triplets ayon kay Mariel. “This one was more painful kasi I’ve had multiple pregnancies. It was either twins or triplets. Sabi ko, ‘Wow! Siguro dahil na-miscarriage ako dati kaya pinalitan ni God. O kung mawawala man ‘yung iba, mayroon akong isang matitira.’ Tapos I had one with a heart beat so I was really hoping. And then I lost the heartbeat. Iyon talaga nag-breakdown na ako roon. I was really going to lose it, I was about to go dark, I was bitter, I was not in good place. And then Robin took me out of the country and he reassured me that it will be okay even if it were just the two of us,” pagbabahagi pa ni Mariel.

Georgina aminadong nahihiyang umarte

Hindi na raw madalas na nakakasama ni Georgina Wilson ang mga kaibigang sina Solenn Heussaff, Anne Curtis, at Isabelle Daza dahil pare-pareho silang abala sa trabaho.

Ngayon ay nakatakda raw salubungin ng kanilang barkada ang 2016 sa Argentina. “I’ll be going with my friends Solenn, Anne, and Belle. So I think it will be such a fun because we’re so busy all the time. Like I don’t get time to see them as much as I’d like. So it would be such a nice, relaxing trip to bring in the New Year.”

May bulung-bulungan na magpapakasal na diumano si Solenn sa kasintahang Argentinian kaya magbibiyahe sa nasabing bansa sina Georgina. “No, it’s funny that they’re like speculating and stuff. I think those things are also quite personal. When she wants to share I think that even though she’s a public figure. I think there are a lot of things that should be kept private if they want. Some people choose to share, some people don’t,” paglilinaw ni Georgina.

Samantala, marami ang nagtatanong sa modelo kung bakit hindi pa niya sinusubukan ang pag-arte katulad ng kanyang mga kaibigan. “I just don’t think I can with my personality. I get camera shy. It’s something that they’re really good at and even if I wanted to right now, I’m very hands on with my business. So I r­eally don’t have the time even for launches and stuff. It’s like I have to rush around town trying to get everything done,” pagtatapos  ni Georgina.

ACIRC ANG ANNE CURTIS GEORGINA GEORGINA WILSON ISABELLE DAZA IYON LIKE I MARIEL MARIEL RODRIGUEZ SO I
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with