Luis masayang-masaya nang ikasal si Nikki

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2015 - 9:00am

Masayang-masaya si Luis Manzano para kay Nikki Gil dahil nakapagpakasal na ang aktres kamakailan kay BJ Albert.

Isa si Nikki sa pinakamalapit na kaibigan ni Luis sa show business. “She’s one of my best friends. She’s one of my favorite people on this planet and I’m very, very happy for Nikki. In fact, when I got home that night I sent her a text. Knowing her for so long, one thing that I could see with her smile when she was walking down the aisle was contentment and I could not be any happier for someone who is dear to me. To see someone’s heart and soul so content and happy,” kwento ni Luis.

Nakikita raw ng aktor kay Nikki ang pagiging mapagmahal na asawa kaya tinitiyak nitong magiging mabuting ina rin ang aktres. “She’s very loving, besides the usual that she is fond of children I just know how much of a loving person that she is and that’s going to translate on how she is a wife. Sabi ko sa kanya, ‘I know for a fact that you’re going to be a great wife and even an awesome mom,” pagbabahagi ni Luis.

Jerome inamin ang tampuhan nila ni Janella

Ramdam na ramdam na raw ni Jerome Ponce ang pagiging isang artista dahil nagkaroon na siya ng pelikula sa kauna-unahang pagkakataon. Kabilang ang aktor sa pelikulang Haunted Mansion na pinagbibidahan nila nina Janella Salvador at Marlo Mortel na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Kapaskuhan. “Dati kasi pa-TV-TV lang. Nag-start sa Be Careful With My Heart tapos Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, tapos ngayon, may movie na, ang sarap ng pakiramdam. Parang artista ka na talaga dahil hindi ka na lang sa TV napapanood, makikita ka na rin sa pelikula,” paliwanag ni Jerome.

“Naramdaman ko rin po na ang laki ng pagkakaiba. Bagong mundo kumbaga. At saka mas patient ka dapat sa movie pala. Sobrang saya talaga,” dagdag ng aktor.

Lalong naging malapit sa isa’t isa sina Jerome at Janella ngayon pero nagkakaroon na rin daw ng tampuhan paminsan-minsan. “Before naman kasi, caring ako sa kanya as a kapatid but more on friends kami talaga. Close friend kami talaga. Well hindi maiiwasang nagkakaroon ng misunderstanding kami, tampu-tampo pero okay naman kami. Simpleng tampuhan lang ‘yon. Sa kanya na lang itanong para siya na lang ang magsabi,” natatawang pahayag ni Jerome.

Iginiit naman ng binata na wala siyang kasintahan ngayon kaya ang trabaho na lamang ang pinagtutuunan ng panahon.

 

ACIRC ANG BE CAREFUL WITH MY HEART HAUNTED MANSION JANELLA JANELLA SALVADOR JEROME JEROME PONCE LUIS LUIS MANZANO NIKKI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with