Janine gustong magpaka-mature kaya nagso-solo na
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2015 - 9:00am

Hindi raw naaapektuhan ang relasyon ng magkasintahang sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona kahit magkahiwalay na sila ng TV network na pinagtatrabahuhan.

Noong isang linggo ay pumirma na si Elmo ng kontrata sa ABS-CBN kaya certified Kapamilya na rin ang aktor. “We’re doing great. I really don’t have anything to say about it. Siyempre that’s his decision and his ma­nagement’s decision but whatever happens, I’ll be supportive definitely,” nakangiting pahayag ni Janine.

Ayon sa dalaga ay hindi raw magiging problema ang kanilang mga schedules dahil palagi rin silang magkasama. “I’m always with him naman. It’s not like a super crazy thing that we don’t see each other. I guess it’s just also really helpful that we are supportive of the things we do even if we don’t do it together,” paliwanag ni Janine.

“Normal lang kami like we love to eat, we love to go to movies. When we have time, we love to go out of town. We’re very spontaneous I guess because we don’t really plan these things but somehow they push through. There’s nothing out of the ordinary naman,” kwento pa niya.

Samantala, kamakailan ay nakabili na si Janine ng sarili niyang condominium unit. Ginusto raw ng aktres na magsarili na para marami pang matutunan sa araw-araw na pamumuhay. “To grow up, to be more mature a bit when it comes to being responsible and making decisions. That’s why I really got a place for myself para mapilitan ako to do these things. I want to learn to be more accountable and learn how to cook, learn how to clean, like all of those things,” pagbabahagi ng aktres.

Bret maraming nagustuhan kay Ella

Napababalitang nagkakamabutihan na diumano sina Bret Jackson at Ella Cruz ngayon. Matatandaang naugnay din ang aktor kay Andi Eigenmann ilang buwan na ang nakalilipas. “Tapos na, hindi na kami. Short-lived lang ‘yung sa amin. Andi and I are almost best friends. We still talk, friends kami, matured naman kami,” pagtatapat ni Bret.

Totoo kayang si Ella na ang ipinalit ng binata kay Andi? “We’re not official. Yeah, we’re dating, a few times, once in a while. But it’s just been kind a hard lately because parehas kaming busy, especially her. Right now she’s doing a lot. Ako rin, almost everyday different taping. So we don’t see each other and it’s kind of hard. Text-text lang kami,” nakangiting pahayag ni Bret.

Maraming mga katangian ang nagustuhan ng aktor kay Ella. “She’s simple, she’s sweet and then she’s very understanding and she’s funny also,” pagtatapos ni Bret.

 

ACIRC ANDI ANDI AND I ANDI EIGENMANN ANG BRET JACKSON ELLA ELLA CRUZ ELMO MAGALONA JANINE JANINE GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with