^

PSN Showbiz

James at GF na si Michela nagkabalikan kaya hindi na pinatulan si Kris! Dingdong kabado sa paglipad sa Paris

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Bago mag-Pasko na ang grand finals ng Starstruck 6 at kamakalawa ng gabi ay magkasabay na natanggal sina Liezel Lopez at Avery Paraiso.

Mas matindi ang labanan ng anim na natirang survivors. Nakaipon na rin sila ng hukbo ng fans kaya inaasahang maging hit ang pagtatapos nito.

Hindi pa sure kung kailan talaga ang grand finals, pero namumroblema si Megan Young dahil maghu-host ito sa Ms. World 2015 sa China.

Kung mapasabay ito sa Ms. World, malamang na wala sa Starstruck si Megan. Kaya sana, hindi raw magkaroon ng conflict dahil napalapit na rin sa beauty queen/actress ang mga contestants ng Starstruck 6.

PAK: Nanatiling tahimik pa rin si James Yap sa nakaraang isyu nila ni Kris Aquino kaugnay sa First Communion ng anak nilang si Bimby.

Si Kris lang ang nagpu-post laban sa dating asawa pero tahimik lang ito. Napatunayan niyang hindi siya nagkulang at sinagot niya ang text sa kanya. Kaya kahit anong alipusta ang inabot niya sa mga bashers, tahimik lang ito.

Bilib ang mga taong malapit kay James dahil wala raw talaga itong sinasabi sa publiko. Umiiwas na lang siyang magpa-interview para wala na lang siyang masabi.

Ang dami raw nitong pinagdaanan lately dahil sa hindi siya gaanong masaya sa performance nila sa PBA, at dumaan din sa problema ang kanyang lovelife.

Pero ang latest ay nagkabalikan na raw sila ni Michela Cazzola kaya ito na raw nagpapasaya sa kanya bukod sa kanyang anak na si Bimby.

BOOM: Ngayong araw ang alis ni Dingdong Dantes patungong Paris para daluhan ang UN Climate Change Forum.

Aminado ang GMA Primetime King na medyo natatakot siya sa biyahe niyang ito dahil sa nakaraang gulo sa Paris. Pero kampante naman daw siya dahil alam niyang mahigpit ang security at kasama naman daw siya sa entourage ni Pres. Noynoy Aquino.

Pero isang araw lang daw doon si Dingdong para daluhan lang ang naturang forum. Hindi raw niya kayang iwan nang matagal ang kanyang mag-ina lalo na ngayong nakalabas na ng hospital sina Marian (Rivera). Kaya kailangan daw niya talagang samahan at bantayan ang kanyang mag-ina.

Sabi ni Dingdong, pag-uusapan pa raw nila ni Marian ang binyag ni Baby Zia. Hindi pa raw nila ma-confirm ang mga kukuning ninong at ninang pero ang sure lang daw siya, isa sa mga ninang si AiAi delas Alas.

ANG

AVERY PARAISO

BABY ZIA

BIMBY

CLIMATE CHANGE FORUM

DINGDONG DANTES

KAYA

LANG

MS. WORLD

PERO

RAW

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with