May jetlag pa siguro… Bryan White sablay nang kantahin ng live ang theme song ng AlDub
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2015 - 9:00am

Inabangan ang guesting kahapon ni Bryan White sa Eat Bulaga dahil na­dagdagan ang fans niya nang sumikat sa kalyeserye ang kanyang hit song na God Gave Me You.

Si Bryan ang original singer ng kanta na madalas na magpaiyak kay Alden Richards at naririto siya sa Pilipinas para sa concert niya sa Smart Araneta Coliseum sa December 1.

Medyo hindi happy ang fans nang mapanood nila kahapon ang live perfor­mance ni Bryan sa Eat Bulaga dahil sumasablay ang boses niya.

Mas maganda raw pakinggan ang recorded voice ni Bryan kesa sa live na pagkanta nito.

Bigyan muna natin si Bryan ng benefit of the doubt as in huwag muna siyang husgahan.

Puwedeng pagod siya sa biyahe niya mula sa Amerika at sa lay over sa Japan kaya pumal­ya ang kanyang boses.

Siguradong may jetlag si Bryan dahil dumating ito sa Pilipinas noong Friday night at sumabak agad kahapon sa guesting niya sa Eat Bulaga.

Speechless naman si Bryan White nang tanungin siya nina Pauleen Luna at Pia Guanio tungkol sa popularity ng kanyang kanta sa Pilipinas dahil sa AlDub.

Feeling blessed daw siya dahil sikat na sikat nga sa Pilipinas ang kanyang old song.

Ni sa panaginip, hindi naisip ni Bryan na muling si­­si­kat nang todo sa ibang bansa ang God Gave Me You kaya excited na excited siya sa kanyang Manila visit.

Ang OctoArts International ang produ ng concert ni Bryan. Hindi imposible na panoorin ng cast ng My Bebe Love ang show ni Bryan dahil co-producer ng pelikula ang OctoArts Films na sister company ng OctoArts International at pag-aari ni Papa Orly Ilacad.

Yaya Dub mag-aala Sen. Grace

May mga nagtatanong kung totoo ang kumakalat na tsismis tungkol sa magi­ging twist ng kalyeserye ng Eat Bulaga sa mga susunod na araw.

True ba raw na ang pagiging “foundling” ala-Senator Grace Poe ni Yaya Dub ang twist ng phenomenal kalyeserye ng Eat Bulaga?

Ma at pa! Hindi ko alam ang tumpak na kasagutan dahil wala naman akong nakakausap na writer ng Eat Bulaga.

Abangan na lang natin ang mga upcoming episode ng kalyeserye para ating malaman ang katotohanan sa kumakalat na tsismis.

Kung foundling si Yaya Dub ang twist ng kalyeserye ng Eat Bulaga, baka intrigahin na naman ang resemblance nila ni Yaya Pepe.

The who si Yaya Pepe? Siya ang yaya ni Maine sa tunay na buhay at unang napanood sa Tamang Panahon show sa Philippine Arena noong October 24.

Pag-apir ni Matteo sa concert ni Sarah, pahulaan pa

Busy na si Sarah Geronimo sa rehearsals ng From The Top, ang major concert niya sa Smart Araneta Coliseum sa December 4 at 5.

Hindi na tumatanggap si Sarah ng ibang mga raket at commitment dahil naka-focus ang atensyon niya sa kan­yang 2-night concert sa Big Dome.

Gusto ni Sarah na masulit ang pera na ipinambili ng tickets ng fans kaya todo practice siya para sa From The Top. Nagbigay ng assurance ang aking favorite singer-actress na matutuwa sa mga production number niya ang mga manonood ng kanyang concert.

Pahulaan pa kung magiging special guest ni Sarah sa concert nito ang kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli.

ACIRC ANG BRYAN BRYAN WHITE DAHIL EAT BULAGA FROM THE TOP GOD GAVE ME YOU NIYA PILIPINAS YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with