Boss Vic nangongolekta ng mga artistang bibigyan ng trabaho
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2015 - 9:00am

Marami ang nagtaka nang hindi sa Kapamilya network gumawa ng proyekto ang nagbabalik na si Claudine Barretto kundi sa TV5.

‘Yun pala, ang nagma-manage ng karera niya ay  ang bagong chief strategist ng network  na si Vic del Rosario kaya saan pa siya dadalhin nito kundi sa pinalalakas nitong network.

Tatlo silang mga bagong artista  ang  pinaghahandaan ng mala­king pro­yek­to ng TV5, sina Richard Gutierrez na dating Kapuso na ga­ganap bilang bagong Panday at si Diether Ocampo ng Kapamilya na may dalawang episodes sa Wattpad Presents.

Sino pa kayang malaking artista ang susunod na dadalhin ni Vic del Rosario sa kumpanya ni G. Manny Pangilinan?

Elmo may tampo sa GMA?!

Akalain mong nagawang makalipat ni Elmo Magalona from GMA to ABS-CBN. Ikinagulat ng marami ang biglang change na ito sa karera ng boyfriend ni Janine Gutierrez na hindi kinaringgan ng kaunti mang reklamo sa kanyang home network pero, ob­viously meron dahil bakit siya lumipat?

Para sa kanyang bagong proyekto sa ABS-CBN, ipapareha siya kay Janella Salvador sa isang tele­serye na inaasahang magbibigay ng kalungkutan sa mga ipinapareha sa batang Kapamilya artist. Iniwan ni Elmo sa GMA ang girlfriend na si Janine na may palabas sa umaga, ang Dangwa.

Hotdog, muling tutugtog sa PICC

May reunion concert ang isa sa pinakapaboritong banda sa Pilipinas na Hotdog. Balik bansa ang popular na grupo at may concert sila sa PICC sa Disyembre 3 sa Philippine International Convention Center (PICC) na kung saan ay siguradong paiiyakin nila ang lahat ng manonood sa pamamagitan ng kanilang mga walang kamatayang awitin.

Sayang at nawalan ng oras para sa kanila ang Umagang Kay Ganda. Hindi na nalaman ng fans nila kung ano ang mga pinaggagagawa nila sa mga panahon na wala sila sa bansa at hindi tumutugtog. Sayang!

A Second Chance grabe ang pila

Ang dami kong kakilala na kinailangang ipagpaliban ang panonood ng A Second Chance dahil sa kahabaan ng pila na dapat nilang pagdusahan para mapanood ang pagpapatuloy ng kuwento ng pag-ibig nina Popoy at Basha na ginagampanan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Sinasabi na ang opening gross nito ang pinakamalaki sa lahat ng pelikulang ipinalabas na uma­bot  ng 43.3 M. Ito ay sa kabila ng maraming senior citizens ang nagpasyang ipagpaliban ang kanilang panonood to a latter date.

Ningning bibida sa MMK episode

Gaganap na batang na­ki­ki­­paglaban sa dalawang ma­­­lu­bhang karamdaman ang Ningning star na si Jana Agon­cillo sa kanyang u­nang MMK episode nga­yong gabi.

Sa edad na anim, buong pag-asang nilalaba­nan ni Ashley (Jana) ang bone marrow cancer at epidermoly­sis bullosa, isang bihirang sakit sa balat.

Ngunit imbes na pagbuklurin ng kanyang kalagayan ang kanyang pamilya, naging sanhi pa ito ng lamat sa relasyon sa pagitan ng kanyang inang si Jennifer (Precious Lara Quigaman) at lolang si Cleofe (Coney Reyes).

Dahil napabayaan si Jennifer noon, pilit na bu­ma­bawi si Cleofe sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanyang apo at pagbibigay ng lakas ng loob kay Jennifer, na tila hindi kayang alagaan ang sariling anak at makita itong nagdurusa.

Maging matapang pa kaya si Jennifer para sa kanyang anak? Maayos pa kaya nina Cleofe at Jennifer ang kanilang relasyon alang-alang kay Ashley?

A SECOND CHANCE ACIRC ALIGN ANG CLEOFE JENNIFER KANYANG LEFT QUOT SHY STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with