_ngayon
^

PSN Showbiz

Janella Salvador excited makatrabaho ang 'fresh' Elmo Magalona

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masaya si Janella Salvador na siya ang ipapareha sa bagong Kapamilya Elmo Magalona.

Isang teleserye ang unang project nina Janella at Elmo na may title na "Born For You" sa ilalim ng Dreamscape Productions.

"I feel good that I'll get to work with someone fresh," wika ni Janella.

BASAHIN: Elmo Magalona Kapamilya na!

Kapwa umaawit ang dalawang artista at dahil na rin ito sa kanilang mga magulang na singers.

"I'm excited nga sa music angle kasi both our parents are musically inclined," dagdag ni Janella na anak ni Jenine Desiderio.

Ama naman ni Elmo ang namayapa nang "Master Rapper" ng Pilipinas Francis Magalona.

Samantala, umaasa naman si Janella na tatangkilikin ng kaniyang mga fans ang bago niyang project kahit hindi si Marlo Mortel ang kaniyang makakasama.

"I hope the fans will still support the show. Kasi first of all po this is not goodbye naman forever kay Marlo. Siguro more on exploring kaming dalawa ngayon. If ever destined kami together magkikita rin kami ulit," banggit ng 17-anyos na singer at actress.

"Hindi naman po kasi ako closed sa ibang love team. We all hope our fans will be united. We're hoping na mag-support sila," dagdag niya.

Magkasama sina Janella at Marlo sa 2015 Metro Manila Film Festival entry "Haunted Mansion" sa ilalim ng Regal Films.

BORN FOR YOU DREAMSCAPE PRODUCTIONS ELMO ELMO MAGALONA KAPAMILYA HAUNTED MANSION JANELLA JANELLA SALVADOR JENINE DESIDERIO KAPAMILYA ELMO MAGALONA MARLO QUOT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with