Sa loob ng apat na taon, Kris umaming insecure, KSP, self-absorbed, sad, lonely, bitter at negative; Jose Manalo may mahalagang ginawa sa Amerika!
(Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2015 - 9:00am

SEEN: Bumalik na kahapon si Jose Manalo sa kalyeserye ng Eat Bulaga matapos ang ilang araw na pagbabakasyon sa Amerika. Hindi sinabi ni Jose ang tunay na dahilan ng pagpunta niya sa Amerika. Pero may ilang nakakaalam ng totoong dahilan ng paglipad niya sa U.S.

SCENE: Big fan nina Alden Richards at Maine Mendoza si Christine Bersola na may oras para puntahan at interbyuhin nang personal ang AlDub at i-post sa kanyang social media account.

SEEN: Ang pagdagdag ng timbang ang ebidensya na maligaya si Paolo Contis sa special friendship nila ni LJ Reyes.

SCENE: Hindi na dapat patulan ni James Yap ang mga bagong patutsada sa kanya ng dating asawa na si Kris Aquino na ugali na ipangalandakan ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan.

SEEN: Marami ang natuwa sa pag-amin ni Kris Aquino na insecure, sad, self-absorbed, bitter, lonely, KSP, at negative siya. Sa tagal ng panahon, ngayon lamang kinilala ni Kris ang kanyang mga kahinaan.

“I now realize I was insecure, KSP, self-absorbed, sad, lonely, bitter, and negative over the course of roughly 4 years.”

SCENE: Ang depensa ng sportscaster na si Anthony Suntay na walang basehan ang kaso ng estafa na isinampa laban sa kanya at isa malaking pagkakamali ang kasalanan na ibinibintang ng complainant.

SEEN: Parang magkaedad lamang sina Gabby Concepcion at Rafael Rosell sa presscon at publicity photos ng Because of You, ang romantic primetime teleserye ng GMA 7.

SCENE: Ang re-run simula kahapon ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo sa mga piling sinehan ng SM bilang paggunita sa Bonifacio Day sa November 30. Ang Bonifacio ang pelikula ni Robin Padilla na official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2014.

ALDEN RICHARDS AMERIKA ANG ANG BONIFACIO ANG UNANG PANGULO ANTHONY SUNTAY BECAUSE OF YOU BONIFACIO DAY CHRISTINE BERSOLA KRIS AQUINO STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with