^

Nagtitiis na hindi lumafang sa shooting, Rafael ayaw tumikim ng mga pinapatay!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2015 - 9:00am

PIK: Naikuwento ni Carla Abellana sa amin na parang nahihirapan daw sila kay Rafael Rosell sa taping ng Because of You dahil halos wala raw itong kinakain sa sini-serve sa kanila sa set dahil sa pagiging vegan nito.

Sabi naman ni Rafael, okay lang daw siya kahit wala siyang kinakain sa catering ng taping dahil meron naman daw siyang baon. Umiiwas lang pala siyang kumain sa harap ng mga co-actors niya na kumakain ng karne o kahit anong pagkain na mula sa karne ng hayop.

Ang tingin ni Rafael, parang Muslim lang daw ‘yan na hindi makakain sa harap ng mga taong kumakain ng baboy.

Iba kasi ang pagka-vegan ng Kapuso actor. Hindi siya talaga kumakain na galing sa isang living thing na pinapatay.

Sabi nito; “Hindi ako nagda-diet, hindi ako nagpapayat. As in ayoko lang talaga pumatay ng ibang buhay na entity dito sa mundo para lang mabusog ako.

“Sa akin, parang ang babaw na papatay ng isang bagay na buhay para lang ma-satisfy ang craving ko. Hindi naman makatarungan ‘yun na para mabusog ako papatay ako ng isang buhay na hayop. Iyun lang talaga ang paningin ko.”

PAK: Dedma naman si Carla Abellana sa pasabog ni Cai Cortez sa interview sa kanya ni DJ Mo Twister na isa raw sa well-endowed na aktor ay si Tom Rodriguez.

“Sa kanila na ‘yun bahala na ‘yun. Kebs! Sa kanila na ‘yun. “Friend ko si Cai. Nagkasama kami sa trabaho,” pakli ni Carla nang kinulit namin sa presscon ng bagong drama series niyang Because of You kasama sina Gabby Concepcion at Rafael.

Hindi naman daw maalis kung mas maraming magnanasa kay Tom dahil sa revelation na ‘yun ni Cai.

“Any guy naman siyempre natutuwa kung may ganun kasi machismo ‘yan eh. Any guy would be flattered. Iba naman siyempre ‘yung sa babae ‘di ba?” safe na sagot ni Carla.

Sa November 30 na magsisimula ang Because of You pagkatapos ng Little Nanay.

BOOM: Ayaw namang palakihin pa ng kampo ni Tom ang isa pang isyung nag-walk out daw ito sa premiere night ng pelikula nila ni Carla na No Boyfriend Since Birth dahil sa na-dub daw sa iba ang karamihan sa linya nito.

Nagsalita pa raw si Tom na hindi na raw siya gagawa ng pelikula sa Regal Films.

Si Mother Lily naman ay halatang masama ang loob pero nagpipigil lang ito sa mga sinasabi niya.

Nang tinanong namin si Carla tungkol diyan, wala raw walk out na nangyari.

“Umalis siya, honestly dahil ang kanyang tiyan ay sira,” diretsong sagot ni Carla.

Kuwento pa ni Carla, nagkasama na raw sila ni Tom sa mall show nila bago ang premiere night,

Masama na raw ang pakiramdam ni Tom, wala raw energy at medyo lubog na raw ang mata.

Kaya pinakain daw muna nila ng burger at pinainom ng coke para magkaroon daw ng energy.

“Before the premiere night nakapag-restroom na siya. Siguro hindi pa tapos, so masama na ang tiyan niya eh,” paliwanag ni Carla.

Wala raw tampo ang aktor, at hindi raw totoong nag-walk out ang aktor. Gusto man daw ni Tom na mag-stay pero masama na raw talaga ang pakiramdam nito.

ACIRC ANG BECAUSE OF YOU CARLA CARLA ABELLANA DAW HINDI LANG NAMAN RAFAEL RAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with