Mas mura raw may mga cancer na DH sa Hong Kong nagtitiis para makapagpa-chemo!
(Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Bilang pagdiriwang sa mahigit isang dekadang pagbabantay sa mga isyu ng lipunan, hatid ng Reporter’s Notebook, sa pangunguna nina Jiggy Manicad at Maki Pulido, ang dalawang natatanging ulat tungkol sa mga Overseas Filipino Worker o OFW sa Hong Kong.

Sa unang bahagi ngayong Huwebes, Nobyembre 26, tunghayan ang kwento ng ilang OFW na sa kabila ng pagkakaroon ng sakit na cancer ay nagtatrabaho pa rin bilang mga household helper.

Hirap makalakad at namimilipit sa sakit, ganito naabutan ng Reporter’s Notebook si Tessie habang papunta sa Central Park sa Hong Kong. Mahigit 20 taon ng OFW si Tessie. Agosto ng taong ito nang matuklasang may Stage 3 colon cancer siya. Pero sa kabila ng karamdaman, tuloy siya sa pagtatrabaho. Habang may kontrata kasi siya sa Hong Kong ay hawak din niya ang kanyang Hong Kong ID. Sa pamamagitan nito ay nakukuha niya ang chemotherapy at iba pang gamutan sa mas mababang halaga. Sa Pilipinas, nasa 20 hanggang 50 libong piso ang halaga ng chemotherapy package. Pero sa Hong Kong, mahigit limang daang piso lang ang katumbas ng binabayaran ni Tessie.

Stage 4 ovarian cancer naman ang iniinda ngayon ng isa pang OFW na si Rose. Gaya ni Tessie, pinili ni Rose na manatili at maghanapbuhay sa Hong Kong para lang makapagpatuloy sa kanyang chemotherapy. Ayon sa kanya, kapag umuwi raw kasi siya sa Pilipinas, bukod sa walang perang pangsuporta sa kanyang dalawang anak ay wala rin naman siyang gagastusin sa mahal na gamutan.

Tinitiis na nga nila ang malayo sa pamilya, tinitiis din nila ang sakit na dulot ng karamdaman. Bakit sa ibang bansa pa nila nakukuha ang kalingang kinakailangan nila? May programa ba ang pamahalaan para sa mga gaya nilang tinatawag na bagong bayani pero bihag ng karamdaman?

Huwag palalampasin ang Back to Back Hong Kong Special ng 2015 New York Festivals Bronze World Medalist na Reporter’s Notebook simula Huwebes, November 26, 5:20 ng hapon pagkatapos ng Destiny Rose sa GMA 7.

ANG BACK HONG KONG SPECIAL CENTRAL PARK DESTINY ROSE HONG HONG KONG HUWEBES JIGGY MANICAD KONG MAKI PULIDO TESSIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with