Rocco nagsalita na sa ‘ginalaw’ na pera nila ni Lovi
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2015 - 9:00am

PIK: Sinorpresa ni Sheryl Cruz ang singer na si Aimee Torres na nag-celebrate ng kanyang kaarawan nung nakaraang Sabado na ginanap sa Diamond Hotel.

Si Aimee ang unang nagpasikat ng kantang Pusong Bato na hanggang ngayon ay nararaket pa rin niya sa iba’t ibang lalawigan.

Fan na fan pala itong si Aimee ni Sheryl at nagulat siya nang kinanta niya ang Mr. Dreamboy, biglang lumabas si Sheryl para sabayan siya sa pagkanta.

Tuwang-tuwa si Aimee sa birthday gift na iyun sa kanya ng kanyang amang si Manny Torres na kasabay din niyang nag-celebrate ng kaarawan nung araw na iyun.

PAK: Consistent na lumalaban na ngayon ang Magpakailanman at dalawang Sabado na niyang natatalo ang Maalaala Mo Kaya.

Nung nakaraang Sabado ay nakakuha ito ng 13.7 percent na sa NUTAM ra­tings, at 11.4 lamang ang MMK.

Malaking bagay pa rin ang mataas na rating ng Eat Bulaga dahil sa kalyeserye ng AlDub kaya nagtuluy-tuloy na mataas ang rating ng mga kasunod na programa.

Napag-usapan din ang pagkadapa ni Alden Richards na ginawa pang poll ni Yaya Dub sa kanyang Twitter account kung saan daw siya hindi makapag-get over, ang concert ni Sam Smith o ang pagkadapa nga ni Alden.

BOOM: Matagal-tagal na ring napapag-usapan ang isyung break-up umano nina Rocco Nacino at Lovi Poe pero walang may nagsasalita sa kanilang dalawa.

Dalawang linggo nang nakaraan nang mag-post si Lovi sa kanyang Instagram account ng statement na, “Sometimes you have to give up in people. Not because you don’t care, but because they don’t.”

Hindi lang tiyak kung kay Rocco ba iyun tinutukoy. Pero nung kamakalawa lang ay nag-post si Rocco sa kanyang IG account ng pahayag tungkol sa kumakalat na isyu tungkol sa kanilang hiwalayan.

Aniya; “Been receiving news about me stealing money from a joint account and having a third party involved in our relationship. No joint account. No third party. I have the utmost respect for Lovi. Please do respect the privacy that we both request right now. Thank you.”

Kahapon ay magkasama sina Lovi at Rocco sa last taping day ng Beautiful Strangers pero true bang hindi sila nagbabatian?

ACIRC AIMEE AIMEE TORRES ALDEN RICHARDS ANG BEAUTIFUL STRANGERS DIAMOND HOTEL EAT BULAGA LOVI ROCCO SABADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with