^

PSN Showbiz

Kris ka-level na ni Sharon sa pagiging patola!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang kapansin-pansin na pagkapal ng kilay ni Paolo Ballesteros. Uso ngayon sa mga kalalakihan ang eyebrow transplant na unang sinubukan ni Christopher de Leon.

SCENE: Madaling-araw nang isilang kahapon ni Marian Rivera si Maria Letizia, ang panganay nila ni Dingdong Dantes. Sa mga artista, si Robin Padilla ang ka-birthday ng anak nina Marian at Dingdong.

SEEN: Nasaktan ang mga Marcos loyalist sa sagot ni Kris Aquino sa isang follower na sinabihan niya ng siya ang nagbayad ng lahat ng ginastos sa APEC Spouses lunch “unlike ‘yung ibinibida mo na nagnakaw sa Pilipinas.”

SCENE: Ikinukumpara na si Kris Aquino kay Sharon Cuneta na pinatulan ang mga panglalait ng fans sa social media at nakaapekto sa kanyang career.

SEEN: Si Rocco Nacino na rin ang nagkumpirma na may problema sa relasyon nila ni Lovi Poe dahil sa kanyang hindi pinag-isipan na depensa na walang third party na sangkot at hindi totoo ang isyu na may nakialam ng pera sa kanilang joint account.

SCENE: Invited ang lahat ng  mga artista na naging bahagi ng Bubble Gang sa event na magaganap sa lobby ng Gateway Cineplex sa Biyernes, November 27. Ipinagdiriwang ngayong 2015 ng undisputed gag show ng GMA 7 ang 20th anniversary.

SEEN: Ito ang tamang panahon para ipakita at iparamdam ng mga apo ni Amalia Fuentes ang pagmamahal sa kanilang lola sa kabila ng pagkakaroon nila noon ng mga hindi  pagkakaunawaan. Na-stroke si Fuentes habang nagbabakasyon sa South Korea noong nakaraang buwan.

SCENE: Ang kumakalat na video ng maayos at matalino na nasagot ni Isko Moreno ang mga tanong sa kanya ni Karen Davila sa guesting niya sa Headstart. Hindi kamag-anak ni Isko si Alma Moreno.

ALMA MORENO

AMALIA FUENTES

ANG

BUBBLE GANG

DINGDONG DANTES

GATEWAY CINEPLEX

ISKO MORENO

KAREN DAVILA

KRIS AQUINO

MGA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user