^

Dennis halos ayaw lumabas ng bagong bahay!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - November 18, 2015 - 9:00am

Paalis si Dennis Trillo sa second week ng December para pa rin sa international screening ng Felix Manalo. Sa Toronto at Vancouver, Canada ang punta nila ng ibang cast ng movie na isasama ng Viva Films. Sa December 9 and 10 ang scheduled screening ng nasabing pelikula.

Isa pang rason kung bakit ayaw munang tumanggap ni Dennis ng project na pang matagalan ay dahil pini-feel nito ang bago nilang bahay sa may Antipolo. Halos ayaw na raw lumabas ng bahay ng aktor dahil nag-i-enjoy siya sa bagong bahay na kanyang ipinatayo para sa kanyang pa­rents at siblings

Kapag wala sa kanyang condo madalas itong nasa bahay nila sa Antipolo at nagsu-swimming kasama ang anak na si Calix.

Ang next movie ni Dennis na Lakbay2Love na pinagtambalan nila ni Solenn Heussaff ay sa February 4, 2016 pa raw ang playdate.

Andi at Bret parang hindi na magkakilala, todo isnaban na

Kami lang ba ang nakapansin na nag-dedmahan sina Andi Eigenmann at Bret Jackson nang magkita sa presscon ni Atty. Persida Acosta na naging presscon ng Angela Markado. Magkasama ang dalawa sa pelikula pero nakita ng press na hindi sila nagbatian at kahit pinalapit si Bret sa presidential table para batiin ang press ay hindi man lang yata sila nagtinginan.

Magkasama sila sa Angela Markado, pero pagkatapos yata ng shooting ay hindi na sila nag-usap. Wala naman sigurong kinalaman ang tsikang dine-date ni Bret si Ella Cruz ngayon dahil tapos na ang relasyon nila ni Andi.

Speaking of Ella, ano kaya ang reaction nito sa sinabi ni Andi na hindi siya nito kilala? Pero ngayong Viva Artist contract star na rin si Ella, makikilala na siya ni Andi.

Rafael pinanindigan na ang pagiging organic hanggang sa damit

Bagay kay Rafael Rosell ang ini-endorse niyang Obra Ni Juan men’s apparel na organic clo­thing ang isinusulong dahil pina-praktis ng aktor ang organic way of life. Organic lahat ang kinakain nito at nagtanim pa ng organic herbs at vegetables sa kanyang garden para masigurong pure organic ang kinakain niya.

Bukod sa organic ang kinakain, matagal nang vegan si Rafael, kaya pati ang birthday cake na ibinigay ng Agapito family na owner ng Obra Ni Juan, vegan din. Tumikim kami ng vegan cake at masarap naman. Hindi lang kami sanay kumain ng cake na walang sugar at milk, kaya hindi namin naubos ang ibinigay sa aming slice.

Sabi naman ni Rafael, hindi aabot na magku-quit siya sa showbiz para sa advocacy niya na organic at healthy living dahil ito ang way niya para isulong ang kanyang paniniwala at pinapraktis.

In fact, kasama siya sa cast ng bagong primetime teleserye ng GMA-7 na Because of You. Ginagampanan niya ang role ni Oliver na isang fashion photographer na nang-iwan kay Carla Abellana sa altar sa wedding day nila.

ACIRC ANDI ANDI EIGENMANN ANG ANGELA MARKADO BECAUSE OF YOU BRET JACKSON HINDI OBRA NI JUAN ORGANIC RAFAEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with