^

Fil-Am singer kabilang sa Top 11 ng ‘The Voice US’

(Pilipino Star Ngayon) - November 18, 2015 - 2:36am

MANILA, Philippines — Nalampasan ng Filipino-American singer Amy Vachal ang ikalawang second live show week ng American reality talent show "The Voice Season 9" upang mapabilang sa Top 11 ngayong Miyerkules ng umaga.

Inawit ng 26-anyos na singer ang top hit song ngayon ni Drake na "Hotline Bling."

Nakatanggap naman ng mga positibong komento si Amy mula sa mga coach na pawang mga international stars.

"I don't think there's ever been a more elegant and classy performance of a song about a booty call in the history of music," komento ni  coach Blake Shelton. "That was, like, unbelievable."

"Amy, you always make songs yours. It's an amazing, uncanny ability that not many people have," sabi naman ni Pharell Williams.

Miyembro si Amy ng team ni Adam Levine na vocalist ng bandang Maroon 5.

Natanggal naman sa kompetisyon si Mark Hood na umawit ng "Signed, Sealed, Delivered I'm Yours."

Samantala, pasok naman sa grand finals ng “X Factor Australia” ang Filipino-Australian na si Cyrus Villanueva, habang kabilang pa rin sa “X Factor UK” ang all-Pinay group singing sensation na 4th Power.

 

 

 

ADAM LEVINE AMY VACHAL BLAKE SHELTON CYRUS VILLANUEVA DELIVERED I HOTLINE BLING MARK HOOD PHARELL WILLIAMS QUOT VOICE SEASON X FACTOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with