Alma hindi nakinig sa mga anak kaya ‘napahamak’
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2015 - 9:00am

Bakit nga naman dumating pa sa punto na kailangang malagay sa kahihiyan si Alma Moreno bago nito sundin ang payo ng mga anak na huwag nang lumahok sa pulitika?

Nag-viral ‘yung isang interview na ginawa niya at naglagay sa kandidatura niya sa pagka-senador sa alanganin. Tsk. Tsk. Tsk.

4th Impact inaabangan na kung matutulad ang kapalaran sa El Gamma Penumbra

Harinawang ma-duplicate ng magkakapatid na babaeng Cercado ang panalo ng El Gamma Penumbra sa Asia’s Got Talent. Kasama sa Top 7 ng X Factor UK ang magkakapatid na singer na kilala ngayon sa pangalang 4th Impact.

Kasama sila sa gagawing live tour ng anim pang X Factor finalists ng pamosong paligsahan sa pagkanta.

Alden at Maine hindi na panahog sa MMFF

Ibibigay ng pang-MMFF (Metro Manila Film Festival) movie na My Bebe Love kina Maine Mendoza at Alden Richards ang malaking karangalan na makapantay sa billing ang mga bida sa pelikula na sina Vic Sotto at AiAi delas Alas.

Hinabaan din sa movie ang role ng phenomenal tandem.

O, may hirit pa kayo?

Andre sumulpot na uli para agawin si Barbie kay Ruru?

O, bumalik na sa The Half Sisters si Andre Paras, huh! Maiibsan na marahil ang tampo ng maraming tagahanga ng aktor na akala ay tuluyan nang tsinugi sa serye dahil kay Ruru Madrid.

For the longest time raw ay si Andre ang ka-loveteam ni Barbie Forteza, bakit daw bigla itong napunta kay Ruru?

ALDEN RICHARDS ALMA MORENO ANDRE PARAS ANG BARBIE FORTEZA EL GAMMA PENUMBRA GOT TALENT HALF SISTERS KASAMA MAINE MENDOZA X FACTOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with