Aktor na panay ang imbita ng pasyal bukilya agad ng aktres na gustong gatasan
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2015 - 9:00am

Gusto yatang gawing sugar mommy ng isang batang aktor ang mas may edad sa kanyang aktres dahil panay ang yaya niya ritong mamasyal. Kahit ilang beses nang tumanggi si older actress (OA), kinukulit pa rin siya ni young actor (YA) na lumabas sila.

Hindi nagsasawa si YA na kulitin at yayain si OA na mag-date at parang hindi siya takot na makita ng mga tao kahit malaki ang age gap nila. Okay sana dahil single ang aktres ngayon at si YA naman ay may ka-love team, pero walang GF.

Kaso, maagang nahalata ni OA na iba ang gusto sa kanya ni YA. Feeling daw ni OA, gusto siyang gawing sugar mommy nito dahil ‘pag nalaman ni YA na pupunta ng Japan si OA, laging nagbibilin ng pasalubong at gusto pa ay mamahaling gadgets.

So far, hindi pa nagpapadala si OA sa mga pangungulit sa kanya ni YA. Saka, malakas ang radar nito na may ibang gusto sa kanya ang aktor at hindi lang ang makasama siyang mamasyal.

Kris nagbebenta ng adobo 'pag walang trabaho

Sa presscon ng Little Nanay, hiniritan ng press people ng sample ng kanyang Adobo Classic si Kris Bernal. Ito ang bagong negosyo ng aktres at ang business partner niyang si Pau Infante. Iba’t ibang luto ng adobo ang ipinagmamalaki ni Kris na recipe raw ng mommy niya.

Sumasali sila sa mga food bazaar at kung walang taping at showbiz commitments si Kris, tumatao siya sa booth nila at personal na nagbebenta ng adobo.

Natikman na ng mga kaibigang artista at co-stars ni Kris sa teleserye ang masarap na adobo kabilang na si Nora Aunor.

Anyway, ayaw tawagin ni Kris na na-friend zone niya ang panliligaw sa kanya ni Lucho Ayala. Hindi raw niya ito pinatigil manligaw, hindi rin basted at ang sinabi lang niya ay mag-relax muna sila dahil ayaw niyang ma-pressure lalo’t kasisimula pa lang ng Little Nanay. Hindi pa rin daw siya ready na magka-BF uli after Carl Guevarra at naintindihan naman siya ni Lucho.

Andi halos matunaw sa mga papuri ni Direk Carlo J

Sobrang napabilib ni Andi Eigenmann si director Carlo J. Caparas na director ng Angela Markado at gusto nito na sa susunod niyang pelikula ay ang aktres pa rin ang magbibida. Si Andi yata ang bagong signature actress ng director at narinig ng press people kung paano nito purihin ang aktres.

Mas magaling daw si Andi sa inang si Jaclyn Jose at mapapantayan ang husay nina Batangas Gov. Vilma Santos, Dawn Zulueta at iba pang magaga­ling na aktres. From the heart daw ang pag-iyak ni Andi at hindi gaya sa napapanood niya sa TV na sobrang iyak ng mga artista pero puro luha lang at wala namang emosyon.

Halos matunaw sa mga narinig si Andi, pero tuluy-tuloy pa rin si direk Carlo sa kanyang mga papuri. Pinuri rin ng director ang professionalism ng aktres dahil kahit mahirap ang mga eksenang kinunan niya, lalo na ang rape scene, walang reklamong narinig dito.

Showing sa December 2 ang Angela Markado na produced ng Oro de Siete Films nina direk Carlo at Donna Villa at ire-release ng Viva Films.

ADOBO CLASSIC AKTRES ANDI ANDI EIGENMANN ANG ANGELA MARKADO BATANGAS GOV HINDI LITTLE NANAY MGA NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with