Hitsura ni Pia, malabo raw mapansin sa Miss U; Piolo nag-iisang pinoy sa Emmy
(Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2015 - 9:00am

SEEN: Hindi believable ang explanation ni Regine Velasquez na conflict sa schedule ang dahilan kaya wala siya sa Christmas Station ID ng GMA 7 dahil kung talagang gusto niya, makakagawa siya ng paraan

SCENE: Matagal nang balita na may  tampo si Regine Velasquez sa GMA 7 pero hindi lang niya isinasapubliko ang tunay na nararamdaman,

SEEN: May last song syndrome effect ang Katakot-Takot Lang, ang theme song ng Wang Fam, ang horror comedy movie ng Viva Films na magbubukas ngayon sa mga sinehan.

SCENE: Walang extra ordinary sa kuwento ng He’s Dating The Transgender, ang libro tungkol sa love story ng transwoman na si Trixie Maristela at ng kanyang straight boyfriend.

SEEN: Big deal sa fans ni Piolo Pascual na siya ang nag-iisang Pilipino na presenter sa 43rd International Emmy Awards. Si ABS-CBN President Charo Santos- Concio ang  Gala Chair ng malaking television event na  magaganap sa November 23 sa New York.

SCENE: May pressure ang pagsali ni Pia Wurtzbach sa Miss Universe 2015 dahil sa nagkakaisang opinyon na hindi ang tipo niya ang mapapansin sa prestigious international  beauty pageant.

SEEN: AlDav ang bansag sa makasaysayan na television interview ni Karen Davila kay Alma Moreno na unang tinawag na AlDab bago pa nagkaroon ng AlDub dahil sa relasyon nila  noon ng namayapang action star na si Rudy “Daboy” Fernandez.

SCENE: Dinalaw ni Manila City Mayor Joseph Estrada ang mga homeless na itinago sa Boystown  dahil mga eyesore sila sa paningin ng APEC delegates.

ALMA MORENO ANG CHRISTMAS STATION DATING THE TRANSGENDER GALA CHAIR INTERNATIONAL EMMY AWARDS KAREN DAVILA KATAKOT-TAKOT LANG MANILA CITY MAYOR JOSEPH ESTRADA REGINE VELASQUEZ STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with