Piolo may idi-demanda?!

RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2015 - 9:00am

Agad umaksyon ang pamunuan ng ABS-CBN na may kinalaman sa isang hoax write-up sa isang website kung saan nakasulat na inamin na umano ni Kapamilya hunk Piolo Pascual ang kanyang sexual preference. Kung babasahin ang write-up, parang lumalabas na meron silang exclusive interview sa ama ni Iñigo Pascual. Ang problema, marami ang nag-share sa nasabing write-up kaya marami ang nakabasa, nagulat, at naalarma.

Natitiyak namin na hindi ito puwedeng balewalain lamang ni Piolo ganundin ng kanyang management company na Star Magic. Malamang na magkaroon sila ng legal action laban sa website na naglabas dahil sa mapanirang artikulo tungkol kay Piolo.

Direk Wenn tutok na kina Vice at Coco, Wang Fam hahataw na sa takilya

Simula bukas ay matutunghayan na sa mga sinehan nationwide ang pinakabagong proyekto ng box-office director na si Wenn Deramas under Viva Films, ang horror-comedy na Wang Fam na tinatampukan nina Andre Paras, Yassi Pressman, Pokwang, Benjie Paras, Alonzo Muhlach at iba pa.

Mahirap pagsamahin ang katatakutan at katatawanan sa isang pelikula pero naging posible ito sa Wang Fam na kuwento ng isang aswang family.

Dahil magsu-showing na ang Wang Fam, focused na ang attention nga­yon ni Direk Wenn sa kanyang MMFF (Metro Manila Film Festival) movie na Beauty and the Bestie na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Coco Martin kasama ang loveteam nina James Reid at Nadine Lustre at ang new child wonder na si Alonzo Muhlach.

Fabio hindi tinalikuran ang responsibilidad kaya good karma

Marami ang pinahanga ng Brazilian-Japanese model-turned actor-businessman na si Fabio Ide nang akuin nito ang responsibilidad bilang ama ng isang cute baby girl na isinilang ni Denisse Oca, panganay na anak ng aktres na si Melissa Mendez.

Inamin ni Fabio na nagkaroon umano sila ng “chance encounter” ni Denisse na naging daan ng pagbubuntis nito.

Wala mang relasyon sina Fabio at Denisse liban sa kanilang pagiging magkaibigan, hindi nagpapabaya si Fabio ng kanyang duty bilang ama ng anak ni Denisse kaya good karma ang co-star ni Ken Chan sa Destiny Rose.

Napaka-cute ng baby ni Fabio kay Denisse.

Sarah at Richard ‘hiwalay’ na!

Mahigit two years old pa lamang si Zion, ang cute little boy ng live-in partners na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati pero may inclination itong mag-showbiz dahil sanay na sanay ito sa mga tao.

Spoiled si Zion ng kan­yang Lola Annabelle Rama at maging ng kanyang Lolo Eddie Gutierrez.

Samantala, mukhang mainstay na si Sarah sa ASAP tuwing linggo ng tanghali dahil parati itong may production dance number sa nasabing prog­rama. Paghahanda na kaya ito sa kanyang pagi­ging isang Kapamilya?

Si Sarah ay produkto ng reality artista search na Starstruck ng GMA. Nang mag-expire ang kanyang kontrata sa nasabing network, lumipat siya sa pamamahala ng Viva Artists Agency na pinamumunuan ni Veronique del Rosario. Co-managed na rin ng Viva Artists Agency si Richard Gutierrez na isa naman sa magiging pambato ng TV5 sa susunod na taon.

 

ACIRC ALONZO MUHLACH ANDRE PARAS ANG BEAUTY AND THE BESTIE DENISSE DIREK WENN FABIO RICHARD GUTIERREZ VIVA ARTISTS AGENCY WANG FAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with