Xian nire-rehearse muna bago isalang sa confrontation kay Ate Vi
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2015 - 9:00am

PIK: Walong shooting days na lang daw at tapos na si Governor Vilma Santos sa pelikula niya sa Star Cinema Films.

Nag-enjoy daw sila sa bonding nila ni Angel Locsin sa shooting. Pero sa kanila raw ni Xian Lim ay may ginagawang strategy si direk Joyce Bernal para maging effective ang mga confrontation scenes nila. Hindi raw sila pinagkikita sa set. Hiwalay daw silang niri-rehearse at sa shoot na raw sila nagkikita.

Effective raw ang ginawa sa kanila kaya natutuwa ang Star for All Seasons na matatapos nila ang pelikula nang maayos.

Kahit abala si Vilma para sa Batangas, alam daw niyang naintindihan ng constituents niya kung magpelikula raw siya kahit one movie a year lang daw.

PAK: Nilinaw ni Regine Velasquez na hindi isyu sa kanya na hindi siya nasali sa Christmas Station ID ng GMA 7.

Hindi raw talaga swak sa schedule niya ito kaya kahit ano’ng adjust ng shoot ay hindi pa rin pupuwede ang Asia’s Songbird.

Sinubukan daw si Regine sa taping ng Sarap Diva pero hindi rin pumuwede.

Nung nakaraang Biyernes pagkatapos ng Starstruck ay kukunan din sana siya, pero hindi rin siya pumuwede. “Hindi naman isyu ‘yan. Hayaan n’yo na,” pakli ni Regine.

Bukod sa abala si Regine sa mga regular tapings niya ay balik rehearsal na naman siya sa Regine at The Theater concert sa Solaire Theater this November 20 at 21.

BOOM: Karamihan sa close friends ni Alma Moreno sa showbiz ay naawa sa kanya sa halip na matawa sa nag-viral na interview ni Karen Davila sa ANC.

Ayon sa aming source, kung si Winwyn Marquez daw ang masusunod, ayaw na raw sana niyang tumakbo pa ang Mommy niya sa darating na eleksyon.

Pero tila pursigido si Alma sa kanyang political plans kaya suportado naman daw siya ng mga anak niya. Kaya lang, ill-advised si Alma sa pagsalang sa kanya sa ANC interview dahil hindi niya ito napaghandaan.

 

ALL SEASONS ALMA MORENO ANG ANGEL LOCSIN CHRISTMAS STATION DAW GOVERNOR VILMA SANTOS HINDI JOYCE BERNAL KAREN DAVILA NIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with