Jasmine gustong makatrabaho ng matagalan si Anne
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2015 - 9:00am

Matagal-tagal na rin sa showbusiness ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis Smith. Hindi pa nagkakasama sa isang pelikula ang magkapatid kaya nangangarap daw si Jasmine na mangyari ito balang araw. “One day I would love to kasi nakatrabaho ko pa lang siya sa commercial pero different naman ‘yun. I’m sure for something that’s longer like a film, and we never really acted together per se. It will really be interesting to see what her method is and what her approach is when it comes to film making,” pahayag ni Jasmine.

Kung sakali ay tungkol sa istorya ng mga magkakapatid ang gustong tema ng dalaga para sa kanilang magiging pelikula. “Something family-centered also but focus of course on the relationship of sisters,” dagdag ni Jasmine.

Samantala, maraming mga payo at aral na raw ang naibibigay ng kanyang ate sa aktres. “What my sister taught me is that when you do your job, you have to give your whole self into that and your whole heart. Kasi do’n mo malalaman kung ano ‘yung strength and weaknesses mo and what you can work on, to what you can show and cater from your own skills, to what’s need to be done for your projects,” pagbabahagi ni Jasmine.

JC hindi alam kung sino’ng liligawan - si Maja o Jessy

Aminado si JC De Vera na malaki ang paghanga niya kay Maja Salvador. May plano kaya si JC na ligawan si Maja ngayong wala ring karelasyon ang aktres? “Hindi lang ngayon kasi right now very grateful ako sa lahat ng mga blessings na dumadating sa akin and ‘yung mga opportunities and ngayon very hungry ako for knowledge. Gusto ko talaga matuto right now and ang focus ko talaga is my business, show business and ‘yung restaurant business. Minsan lang mangyari ‘yan eh and I just want to seize the moment,” paliwanag ni JC.

Samantala, walang karelasyon ngayon ang aktor kaya nauugnay din ito kay Jessy Mendiola na kasamahan naman niya sa teleseryeng You’re My Home. “Really honest ako rito, same with sagot ko kay Maja. Not right now, maybe ‘pag naging deeper pa ang pagkakakilala namin sa isa’t isa. Kasi right now, hindi ka naman pwede manligaw nang basta-basta eh. Kasi siyempre nagkakaroon ka rin ng ibang priorities. Ngayon ‘pag minadali mo ang isang bagay, madali rin siyang mawawala,” giit ng aktor.

Sobrang kumportable na si JC kina Maja at Jessy kaya hindi malabong magkaroon ng espesyal na ugnayan ang binata sa kahit kanino sa dalawa. “Very comfortable na ako sa kanya (Jessy). Nakakapagkwentuhan na kami pero as friends. Hindi lang siguro pwedeng madaliin na gusto n’yo ba may emotions involved. Sobrang kumportable ako sa kanya (Maja). Parang I feel secured ‘pag kausap ko, ‘pag siya ‘yung kasama. Aside from Maja na being makulit, very approachable, malambing siyang tao,” makahulugang pahayag ni JC.

 

ACIRC ANG ANNE CURTIS DE VERA JASMINE CURTIS SMITH JESSY JESSY MENDIOLA KASI MAJA MAJA SALVADOR MY HOME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with