Lovi itutuloy ang biyahe sa Paris!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2015 - 9:00am

Naalala namin si Lovi Poe nang mabalitaan ang nangyari sa Paris, France dahil isa ito sa pupuntahan nila ng ina at tita niya sa kanilang European vacation end of this month. Gusto ng aktres na makita ng ina at tita niya ang ganda ng Paris at siguro naman ay hindi pa rin nagbabago ang itinerary nila.

Last two days na lang ang taping ng Beautiful Strangers at magtatapos na ang teleserye sa November 27. Makakapagbakasyon na ng maayos sina Lovi at wala nang iisiping trabaho na nakabitin.

Ang ikinalulungkot lang ni Lovi, hindi na uli sila magkikita ng best friend niyang si Heart Evangelista. Naging extension ng dalawa ang set sa kanilang kuwentuhan, kaya kahit inuumaga sa taping ay hindi sila nakakaramdam ng pagod.

Anak ni Lito Lapid ‘di puwedeng makipag-usap ng diretso sa senador, dapat dumaan sa secretary

Naiyak ang newcomer na si Ysabel Ortega nang patuloy na tanungin ng press tungkol sa amang si Sen. Lito Lapid. In fairness sa press, nagpaalam sa kanya kung puwede siyang tanungin about her dad na one year na niyang hindi nakikita at nakakausap. Dumaraan pa pala siya sa secretary nito para ipara­ting ang kanyang mensahe at hindi niya deretsong nakakausap.

Walang sama ng loob sa ama si Ysabel at naiintindihan niyang busy ito at intindi niya ang sitwasyon niya. Nandyan naman ang mom niyang si Michelle Ortega na gumagastos sa lahat pati ang schooling niya sa Ridley International School. Parang hindi sure si Ysabel kung may allowance pa siya sa dad niya.

Nag-aartista na si Ysabel at determinadong sumikat at kung susuwertihin, hindi na niya kakailanganin ang suporta ng ama. Dagdag siya sa cast ng On The Wings of Love bilang ka-love triangle nina James Reid at Nadine Lustre.

Nang ipakilala si Ysabel kay James, ang bungad sa kanya ng aktor ay “So, you’re the love triangle.” Mabait daw ang buong cast sa kanya, nice si Nadine, kaya mabilis na naalis ang ilang at kaba niya.

Si Ogie Diaz ang manager ni Ysabel na pinag-go see sa Dreamscape at napili sa karakter ni Andrea Stevens.

Newcomer na si Dyosa Pockoh kinakain pati balat ng hipon

Nakaaaliw kausap si Dyosa Pockoh, introducing sa Wang Fam dahil sa dami ng baong jokes at punch lines. First movie niya ang Viva Films movie na showing sa November 18 at sobrang thankful siya kina Ogie Diaz at Wenn Deramas na dalawa sa na­ging instrument para matupad ang dream na makapasok sa showbiz.

Kuwento ni Dyosa, nag-audition siya sa PBB (Pinoy Big Brother) at Clown for A Million ng ABS-CBN, at sa GMA 7, pero hindi siya natanggap. Hindi nito akalaing magiging viral sensation siya.

Super saya ni Dyosa na invited siya sa two presscon ng Wang Fam kahit walang nagtanong sa kanya. Ewan kung totoo ang sinabi ni Dyosa na noong katabi niya si direk Wenn lang niya nalamang binabalatan ang hipon bago kainin.

A MILLION ANG DYOSA DYOSA POCKOH HINDI LITO LAPID NBSP NIYA SIYA WANG FAM YSABEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with