Nora inis sa mga nanggagaya sa kanya!
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2015 - 9:00am

Ngayon lang lumabas sa kabila ng napakarami at napakahabang panahon na siyang ginagaya ng ilang mga impersonators, na mostly ay mga Noranian at masasabing maganda naman at malapit sa personalidad niya ang ginagawa nilang panggagaya. Kung hindi pa niya napanood ang panggagaya sa kanya ni Maine “Yaya Dub” Mendoza sa isang segment ng Eat Bulaga kung saan ay ginaya sila ni Tirso Cruz lll ni Alden Richards ay hindi pa malalaman ang tunay na nararamdaman ng Superstar sa pag-iimpersonate sa kanya. Nasiyahan siya sa ginawa ng AlDub at sinabing ganun ang gusto niyang pag-iimpersonate sa kanya. “Maganda. Naiinis ako kapag nagiging OA na kasi hindi na ako ‘yun dahil hindi naman ako ganun  ka-OA,” pagtatanggol niya. Wala namang reg­rets si Nora na suportahan ang mga artistang mas bida sa kanya sa Little Nanay ng GMA tulad nina Kris Bernal at Chlaui Malayao.

Luis at Angel dapat nang madaliin ang kasal

Tama lang na madaliin ni Gob. Vilma Santos ang pagpapakasal ng anak niyang si Luis Manzano at sa nobya nitong si Angel Locsin. Wala na nga namang dahilan  para patagalin pa nila ang kanilang engagement dahil financially ay stable na sila, ganun din naman emotionally, At mabilis ang pagusad ng panahon. Kung patatagalin pa nila ay baka matanda na sila ay bata pa ang mga magiging anak nila. Hindi na nila sila masasabayan. Magmumukha na silang lolo’t lola  ng mga anak nila.

Alden ginagamit para mabenta ang mga piratang CDs at DVDs

Kakatuwa lang na sa tabi ng isang sikat na drugstore sa harap ng subdibisyon na tinitirhan ko sa Nova ay may nagtitinda ng mga CDs at DVDs ng pelikula at kanta. Isa sa pinakamabilis na bumentang tape at music video ay naglalaman ng mga poular na love songs.

Nakapagtataka lang na nang patugtugin ko ay pawang naka-credit lahat ng songs kay Alden Richards na alam mo naman na hindi siya at iba ang kumanta, pero selling like hot cakes ang mga ito dahil akala ng lahat na ang isang bahagi ng phenomenal loveteam ng Eat Bulaga ang kumakanta. Tsk. Tsk. Tsk.

‘Relasyon’ nina Daniel at Kathryn guguluhin ng magandang babae

Sa pagkawala (totoo bang nawala na o baka bigla na lang babalik?) ni Claudia Buenavista (Angelica Panganiban), matutuon na ang pansin sa tambalan nina Angelo Buenavista (Daniel Padilla) at Yna Macaspac (Kathryn Bernardo) na rati ay suporta lamang ng tambalang Amor Powers (Jodi Sta Sta. Maria) at Eduardo Buenavista (Ian Veneracion).

Bidang-bida na ang dalawang kabataang pareha ngayon at bibigyan pa ng conflict ang romansa nila sa pagkawala ni Yna dahil mag-aaral sa abroad. Isama pa ang pagdating ng isang magandang babae sa buhay ni Angelo.

Marami ring kabataang karakter ang lalabas sa bagong kuwento.

Aber, tingnan nga natin kung makakayang pantayan ng dalawang nakakabatang loveteam ang pwersa ng mga hindi nakikilalang mga magulang ni Yna.

Nadine nakikipag-agawan na rin sa role ni Darna

Bigla na lang ay lumabas ang pangalan ni Nadine Lustre sa posibleng gumanap ng role na Darna. Dati ang pilian ay nakasentro lamang kina Liza Soberano at sa dalawanag Kapamilya actresses na interesado sa role na sina Jessy Mendiola at KC Concepcion.

Mismong ang ka-loveteam ni Nadine na si James Reid ay nagbigay na ng kanyang masayang pahayag tungkol dito at nagsabi ring siya si Captain Barbell.

Kakatuwa ang dalawang ‘to na inaabot ng swerte ngayon. Malay natin, baka magkatotoo nga.

ACIRC ALDEN RICHARDS AMOR POWERS ANG ANGEL LOCSIN ANGELICA PANGANIBAN ANGELO BUENAVISTA CAPTAIN BARBELL EAT BULAGA MGA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with