Alden kay Maine: We’re very good friends
(Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2015 - 12:30am

MANILA, Philippines – Hindi tulad ng inaasahan ng kanilan fans, friends pa rin ang status nina “Kalyeserye” stars Alden Richards at Maine Mendoza.

Sinabi ni Alden na natutuwa siya sa lumalalim nilang pagkakaibigan ni “Yaya Dub” matapos ang kanilang makasaysayang split-screen romance.

“We’re very good friends now,” pagkumpirma ni Alden nang tanungin kung may namamagitan na sa kanila ni Maine.

“Nakakatuwa kasi madali siyang kausapin,” dagdag niya.

Bukod sa “Eat Bulaga” ay tinatrabaho pa rin ng pinakamainit na love team ngayon ang kanilang 2015 Metro Manila Film Festival entry na “My Bebe Love,” kasama sina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas.

Ito ang kauna-unahang pelikula ni Maine na inaasahang dadagsain ng kanilang mga fans.

Marami ang umaasa na magkakatuluyan sina Alden at Maine sa likod ng camera.

Samantala, tuwang-tuwa naman si Ai Ai sa pagtanggap ng Kalyeserye fans sa kaniyang role bilang Lola Bahbah na lola ni Alden sa storya.

Lumbas ang karakter ni Lola Bahbah upang ipagtanggol ang kaniyang apo sa mga lola ni Yaya Dub na sina Lola Nidora, Lola Tidora at Lola Tinidora.

“Grabe ang galing, ang daming feedback about dyan. Abangan n’yo siya, marami pa siyang magiging ganap sa Kalye-serye soon,” wika ng comedy queen.

 

ACIRC AI AI ALDEN RICHARDS ANG EAT BULAGA KALYESERYE LOLA LOLA BAHBAH LOLA NIDORA LOLA TIDORA YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with