^

PSN Showbiz

Derek pahihirapan ang sarili sa bagong show

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Patuloy ang Kapatid hunk na si Derek Ramsay sa kanyang pamamayagpag bilang prime talent ng TV5 dahil may bago na naman siyang programa na siya mismo ang host, ang Tough X Rough, isang kakaibang Obstacle Course Racing (OCR) competition na matutunghayan sa Kapatid TV network. Ito bale ang kauna-unahang OCR series sa Pilipinas at kaisa-isang OCR World Championship Qualifier sa buong Asya. Isa itong kakaibang sports competition na sasalihan ng iba’t ibang sports enthusiasts sa bansa na sasalain at dadaan sa iba’t ibang pagsubok at iba’t ibang physical challenges tulad ng wall climbing, lifting ng mabibigat na bagay, crawling sa ilalim ng barbed wires at iba pang ala-military trainings.

Excited si Derek sa bago niyang hosting job lalupa’t may kinalaman ito sa sports na kanyang passion.

Unknown to many, si Derek ay nag-compete sa Philippines’ National Ultimate Frisbee team na nagdala sa kanya sa iba’t ibang competition sa iba’t ibang bansa. Siya rin ang head ambassador ng Philippine National Beach Football team.

When not busy sa kanyang showbiz career, sports ang binabali­ngan ni Derek, ang bagong kapareha ni Kris Aquino sa MMFF (Metro Manila Film Festival) movie na All You Need is Pag-ibig na pimamahaan ng bagong box-office director na si Antoinette Jadaone.

Si Derek bale ang pumalit kay QC Mayor Herbert Bautista bilang leading man ni Kris sa nasabing pelikula.

Pokwang nagkabuhay uli dahil sa Kano!

Matagal din ang ipinaghintay ng Kapamilya singer-comedienne na si Pokwang na maranasan ang muling umibig sa katauhan ng nobyong si Lee O’Brien, ang American actor na kanyang nakatrabaho sa pelikulang EDSA Woolworth which was shot in the U.S.

Tunay na marahil ang pagmamahal ni Lee kay Pokwang para i-give up nito ang sariling career sa Amerika para makasama lamang siya rito sa Pilipinas.

Kahit ano pa ang sabihin ng mga detractor ni Pokwang na kesyo siya umano ang sumusuporta sa kanyang nobyo, ang mahalaga ay masaya silang dalawa at aprub sa kaisa-isang anak ni Pokwang na si Mae Subong ang kanilang relasyon.

Hindi ikinakaila ni Pokwang na masaya ang kanyang buhay ngayon dahil sa pagdating ni Lee sa kanilang mag-ina. Umaasa rin si Pokwang na mauuwi sa kasalan ang kanilang relasyon dahil sumasagi na umano sa kanilang usapan ang pagpapakasal.

Nalungkot din ang mag-dyowa nang mawala ang magiging bunga sana ng kanilang pagmamahalan pero umaasa ang isa sa mga bituin ng Wang Fam movie na mabibiyayaan din sila ng anak balang araw.

“Patuloy pa rin kaming umaasa at na­nanalangin sa Diyos na sana’y magkaroon pa rin kami ng anak balang araw,” pahayag ni Pokwang.

Mga artistang nag-asawa hindi nagkaanak

Nanghinayang ang marami nang hindi magkaroon ng supling ang singer-actress na si Agot Isidro sa kanyang ex-husband na si Manu Sandejas. Maging ang dating beauty queen-turned actress na si Alice Dixson sa dati nitong mister, ang Canada-based Filipino husband na si Ronnie Miranda. May iba ring childless couple at kasama na rito ang dating beauty queen-turned actress na si Dindi Gallardo sa kanyang American husband na si Eric Scot Mills. Bumalik sa bansa si Dindi upang ipagpatuloy ang kanyang showbiz career matapos niyang mamirmihan sa New York, USA sa loob ng maraming taon.

Dahil narito sa Pilipinas si Dindi, marami ang naniniwala na on the rocks na umano ang relasyon nila ng kanyang mister na naiwan sa New York, bagay na agad pinabulaanan ng aktres.

Pinayagan si Dindi ng kanyang mister na mag-balik showbiz dahil ito umano ang gusto niyang gawin.

ACIRC

ALIGN

ANG

DEREK

DINDI

KANYANG

LEFT

NEW YORK

POKWANG

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with