Angelica at Jodi tuloy na ang giyera
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2015 - 9:00am

Magsisimula na sa Linggo ang Banana Sundae na kinabibilangan ni Angelica Panganiban. Naging bahagi ang aktres mula nang magsimula ang Banana Split ilang taon na ang nakararaan.

Malaki raw ang naitulong ng programa kay Angelica sa kanyang pagkatao dahil na rin sa kanyang mga karanasan dito. “Siguro naging confident ako sa sarili ko, sa mga ginagawa ko. Dati parang mahiyain ako tapos no’ng nag-Banana ako, nilabas niya ‘yung pagkabaliw ko, ‘yung pagiging masayahin ko saka ano talaga siya eh, ang laking bahay. Natutulungan talaga ako na kahit gaano ka-busy sa taping sa Pangako (Sa ‘Yo), kahit everyday kami nagte-taping pero ‘yung taping ng Banana Split, ang laking tulong niya sa akin. Para akong nare-recharge kahit walang tulog. Kasi nga magaan ‘yung ginagawa n’yo tapos parang pamilya kayo, iba siya sa akin,” paliwanag ni Angelica.

Samantala, mas kaabang-abang pa raw lalo ngayon ang bawat eksena sa Pangako Sa ‘yo kung saan ginagampanan ng dalaga ang karakter ni Madam Claudia. “Sobrang daming mangyayari, as in nakakagulat na pati kami napapa­bitaw kami ng script namin, seryoso talaga, hindi ko ino-O.A. Ngayon kasi napunta na, nalipat na ‘yung attention ni Amor (karakter ni Jodi Sta. Maria). Kumbaga may galit na siya ngayon kay Claudia. Dati naman wala naman siyang bubog kay Claudia. So ito na ‘yung simula ng giyera,” pagbabahagi ni Angelica.

Maja feeling kasing sexy ni Angel

Marami ang nagtatanong kay Maja Salvador kung siya ang bagong gaganap bilang Darna. Kapansin-pansin daw kasi ang patuloy na pagpayat o pagpapaseksi ng aktres ngayon. “Alam n’yo po ang daming nagtatanong niyan. Marami kaming mga artista na nasasabihan na siya ‘yung Darna. Siyempre masaya po ako na napasali ang pangalan ko doon na gusto po ng iba na maging ako si Darna,” bungad ni Maja.

Isang malaking responsibilidad daw para sa bagong mapipili na papalit kay Angel Locsin para sa role. “Parang ang laking responsibility po kapag sa iyo ibinigay si Darna. Kasi hindi ba sobrang iconic si Darna? Parang ang layo ko kay Angel Locsin. Parang ang hirap sundan ng pagiging Darna ni Ms. Angel Locsin kung sa akin ibibigay ang Darna. Pero kung kanino ibigay ang Darna ay napakaswerte po dahil kapag ikaw ay pinagkatiwalaan bilang si Darna, nakita nila sa iyo na karapat-dapat kang maging Darna. Nagpapasalamat ako na napasali ang pangalan ko sa mga choices ng mga tao. Isang karangalan po ‘yon. Feeling ko kasing sexy ko si Ms. Angel,” dagdag ni Maja.

Hinding-hindi raw tatanggi ang dalaga kung sakali mang ialok sa kanya ang malaking proyektong ito. “Bakit mo po tatanggihan ang isang magandang proyekto? ‘Yun lang, napakalaking responsibility, parang ‘di ako kakain yata buong buhay ko. Ikaw nga si Darna, bawal ka namang kumain ng masasarap,” natatawang pahayag ni Maja.

ACIRC AKO ANG ANGEL LOCSIN ANGELICA PANGANIBAN BANANA SPLIT BANANA SUNDAE CLAUDIA DARNA DATI MAJA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with