^

PSN Showbiz

Alden gustong iregalo ang katawan kay Maine! Pokwang atat na uling mabuntis

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ngayon pa lang nabigyan ng pagkakataon si Jason Dy na magkaroon ng sariling album pagkatapos niyang manalo sa nakaraang The Voice Season 2.

Ang kantang Milagro ang carrier single niya na kasali sa album ng MCA Universal Records.

Ang music video ng naturang kanta ay ipalalabas sa kanyang grand fans day na gaganapin sa Resorts World Manila sa Linggo, November 15.

Masaya si Jason dahil sa pagkakaroon niya ng album ay naram­daman daw niyang isa na talaga siyang mang-aawit at hindi na ‘yung dating haranista.

“Pinangarap ko na ito na ang pagkanta ay maging hanapbuhay ko, ito ang bread and butter ko. Nakakatuwa na nabigyan ako ng opportunity na maging totoong mang-aawit ako.”

PAK: Hindi pa rin talaga nawawala ang kilig sa AlDub kahit madalas na silang magkasama at tuluy-tuloy na ang shooting nila sa My Bebe Love.

May exclusive interview sa kanilang dalawa si Ricky Lo para sa CelebriTV at hindi pa rin nawawala kay Maine Mendoza ang kilig sa mga sagot ni Alden Richards.

Pati sa kalokahang interview ni AiAi delas Alas sa dalawa nung nasa shooting sila ng My Bebe Love, ay kilig-kiligan pa rin ito at game na game sila sa mga sagot.

Tinanong ni AiAi kung sakaling magsyota na sila, ano ang ireregalo nila sa isa’t-isa sa kanilang monthsary.

Sagot ni Maine, car daw ang ireregalo niya kay Alden. Sagot naman ni Alden. “katawan ko”. Tuwang-tuwa ang AlDub Nation sa mga sagot nila kaya pinutakti ng comments at nag-like sa ipinost na iyon ni AiAi sa kanyang Instagram account.

BOOM: Malaki ang pasasalamat ni Pokwang kay Direk Wenn Deramas, production staff at co-stars niya sa Wang Fam.

Sinu-shoot nila ang naturang pelikula nang nabuntis ito. Ikinuha pa nga raw siya ng double dahil iniingatan din ang kalagayan niya.

Sayang at hindi nga lang nabuo ang ipinagbubuntis nito kaya iyon pa rin ang hiling niya sa ngayon na magkaroon siya ng anak sa Amerikanong boyfriend na si Lee O’Brien.

Nakatakda nga raw bumalik ng bansa si Lee at gusto talaga niya na magka-baby siya rito. Malamang na ka-join na ni Pokwang ang boyfriend sa premiere night ng Wang Fam bago ang showing nito sa November 18.

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

DIREK WENN DERAMAS

JASON DY

LEE O

MAINE MENDOZA

MY BEBE LOVE

NIYA

POKWANG

WANG FAM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with