^

PSN Showbiz

Birthday gift, AiAi waging best dance album!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nakunan ng picture ni Anna Pingol ng YES! magazine ang kissing scene nina Pauleen Luna at Vic Sotto sa set ng My Bebe Love noong Tuesday.

Birthday ni Pauleen noong Martes kaya may-I-drop by siya sa shooting ng My Bebe Love.

Big scene ang kinunan kaya kumpleto ang buong cast ng filmfest movie nina Bossing at AiAi delas Alas.

Kahapon ang birthday ni AiAi at inabot na ng birthday niya ang shooting noong Martes.

Happy si AiAi dahil nag-win ng Best Dance Album sa Star Awards for Music ang kanyang album na ADA: The EDM Diva.

Ang only daughter na si Sophia ang pinadalo ni AiAi sa awards night ng Star Awards for Music dahil hindi nga siya nakaalis sa shooting ng My Bebe Love.

Emote ni Sheryl hindi na siniseryoso!

Nanalo rin pala si Sheryl Cruz na Female Pop Artist of the Year.

Tinalo ni Sheryl sina Toni Gonzaga, Jennylyn Mercado, Julie Anne San Jose, Kim Chiu, Nadine Lustre, at Sarah Geronimo, kahit hindi naram­daman ng madlang-bayan na may album pala siya.

Dahil may award si Sheryl mula sa Star Awards for Music, may pagkakaabalahan na siya na i-promote at ikuwento. Hindi ‘yung puro pang-aaway kay Senator Grace Poe at sa mga tao sa paligid nito ang kanyang inaatupag.

Ang masaklap, wala nang sumeseryoso sa mga emote ni Sheryl laban sa kanyang pinsan at tiya na si Susan Roces. Parang irrelevant na irrelevant na talaga ang kanyang mga pralala.

Eddie Garcia pinapatos lahat ng trabaho

Hindi sanay na walang ginagawa si Eddie Garcia kaya tanggap pa rin siya nang tanggap ng mga teleserye at pelikula.

Nakakabilib ang energy ni Papa Eddie dahil nakikipagsabayan pa rin siya sa mga bagets na feeling so honored na makatrabaho ang award-winning veteran actor.

Epitome ng isang tunay na professional actor si Papa Eddie dahil walang maliit o malaking role para sa kanya. At kahit hindi malaki ang exposure niya sa mga teleserye, umaapir siya sa mga presscon at tumutulong sa mga promo.

Muling mapapanood si Papa Eddie sa Little Nanay ng GMA 7. Comedy ang Little Nanay kaya at home na at home si Papa Eddie sa karakter na ginagampanan niya.

Kris sangkatutak na screen test ang dinaanan para kay Nora

Ang dami-daming artista na kasali sa Little Nanay dahil isa ito sa mga malalaking teleserye ng GMA 7.

Ang Little Nanay ang ipapalit sa maiiwan na timeslot ng My Faithful Husband.

Sinadya na ilagay sa late timeslot ang Little Nanay dahil ayon kay Ricky Davao, masyadong delikado ang kuwento ng bagong teleserye ng Kapuso Network na tungkol sa isang dalaga na may batang isip pero nabuntis at nagkaroon ng anak.

Nangyayari sa tunay na buhay ang kuwento ng Little Nanay dahil marami ang kaso ng mga nabubuntis na bata ang pag-iisip.

Isang 25-year-old na may isip ng 9 years old ang role ni Kris Bernal sa Little Nanay.

Sangkatutak na screen tests ang pinagdaanan ni Kris kaya nahirapan siya. May mga moment na naisip ni Kris na baka hindi na ibigay sa kanya ng GMA 7 ang role dahil hindi siya sure kung pasado sa mga bossing ang akting niya.

Isipin n’yo ang sobrang kaligayahan ni Kris nang malaman nito na siya talaga ang perfect para sa role ng Little Nanay.

Sa totoo lang, maraming little nanay sa showbiz. Sila ang mga aktres na husto naman ang pag-iisip pero nagbabata-bataan, nagpapa-cute, at nagpapabebe. Sila ang mga aktres na umaarte nang hindi naayon sa kanilang mga edad!

vuukle comment

ANG

DAHIL

HINDI

LITTLE

LITTLE NANAY

MGA

MY BEBE LOVE

NANAY

PAPA EDDIE

SHERYL

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with