AiAi gwardyado ng BF at mga anak sa ibang lalaki
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2015 - 9:00am

Natawa kami sa sagot ni AiAi delas Alas, mga anak na sina Sancho at Sophia at dyowa nitong si Gerald Sibayan sa preskong follower ni AiAi sa IG na buong yabang na nag-post ng “kapag nag-break kayo ng BF mo, ako naman.”

Sagot ni Gerald, “pre, gusto mo ba ng pop?” Sinundan ‘yun ni Sancho ng “dadaan ka muna sakin pre!” at humirit si Sophia ng “naku, kuya di ka na agad pasado sakin.” Tinapos ni AiAi ang usapan sa comment na “pasensya na marami akong bantay hehe.”

Nahiya yata ang nag-comment at nag-sorry. Dinedma na siya ng apat after pansinin. Kaya sa mga walang magawa kundi mam-bash ng celebrities sa social media, think before you click!

Samantala, sa November 23 na ang benefit concert sa MOA Arena na pinangungunahan ni AiAi para sa construction ng Kristong Hari Church sa may Commonwealth, Quezon City. Kabilang sa guests sina Erik Santos, Nikki Valdez, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Ruru Madrid, Sancho, Jay Gonzaga, at Alden Richards.

Mike Tan nagka-career na

Siguradong masaya si Mike Tan dahil bukod sa pelikulang No Boyfriend Since Birth na showing na simula ngayong araw, may teleserye rin siya. Kahit ba guest role lang siya sa My Faithful Husband at gaganap sa role ng isang doctor na mai-involve kay Jennylyn Mercado, okay pa rin ito sa aktor na hindi usong magreklamo.

Sa Thursday pa lalabas ang karakter ni Mike bilang si Brad/Bradley na pagseselosan ni Dennis Trillo.

Liz Uy handang makipag-ayos sa idinemandang blogger

Suportado ng friends ni Liz Uy sa fashion world at showbiz ang hash tag na #StopTheHate na kanyang ipinost after niyang mag-file ng demanda laban kay Michael Sy Lim o Fashion Pulis.

Kabilang sa celebrities na nagpapalaganap sa hash tag ay sina Heart Evangelista, Solenn Heussaff, Georgina Wilson, Julia Barretto, Jessy Mendiola, Iya Villania, at Isabelle Daza na isa sa witness ni Liz sa kaso niya laban kay Fashion Pulis.

Ano kaya ang reaction ng mga kaibigan pareho nina Liz at Michael Lim sa kaso ng dalawa? Kanino sila kakampi o baka maging daan sila para magkaayos ang dalawa? Nabanggit ni Atty. Lorna Kapunan, isa sa counsel ni Liz na they are willing to settle.

Ang ganda siguro sa hearing ng kaso ng dalawa kapag nagdatingan ang mga sosyal nilang kaibigan at Inglesan nang Inglesan.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG DENNIS TRILLO ERIK SANTOS FASHION PULIS GABBI GARCIA GEORGINA WILSON LIZ LIZ UY MIKE TAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with