Excited sa mangyayari, John Lloyd hinihintay na ang 2016!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2015 - 9:00am

Palabas na sa mga sinehan sa November 25 ang pelikulang A Se­cond Chance na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Ayon kay John Lloyd ay maganda naman daw ang kinalabasan ng kanilang bagong pelikula dahil sequel ito ng One More Chance na ipinalabas noong 2007. “Kasi siyempre after eight years, kina Popoy at Basha ano na ba ang nagbago? Ano ba ang nangyari sa kanila? Kung excited kayong makita, kami rin excited rin kaming maipakita sa inyo. Kagaya nito, dapat sa panahong ngayon ang audience dapat laging nae-excite. Dapat ‘di sila ma-bore sa binibigay nila. Kaya excited ako sa mga mangyayari sa last quarter ng taon and early next year,” makahulugang pahayag ni John Lloyd.

“Naniniwala ka­ming lahat, the creators, our writers, our director, our produ­cers, it’s a story worth telling,” giit ng aktor.

Samantala, masayang-masaya rin si John Lloyd dahil napabilang ang kanyang indepen­dent film na Honor Thy Father sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa susunod na buwan.

Kakaibang John Lloyd daw talaga ang mapapanood ng mga tao sa nasabing proyekto. “It’s not your typical MMFF film. Sabi ko nga since marami tayong naririnig especially sa mga netizens sa atin na laging naghahanap ng iba, bago naman daw. So siguro ito ‘yung magandang sagot. Kung talagang naghahanap kayo ng iba, you might want to watch this film,” nakangiting pahayag ni John Lloyd.

Una nang ipinalabas ang Honor Thy Father noong August sa Toronto International Film Festival.

Kyla ten years ago pa ang huling concert

Sobrang pressure na raw ang nararamdaman ngayon ni Kyla para sa concert niya na may titulong Kyla Flying High na gaganapin sa November 20 sa Kia Theater. “Siguro iba ‘yung excitement ngayon because the last concert I had was ten years ago. So iba rin ‘yung panahon no’n, iba ‘yung panahon ngayon. Iba na ang audience ngayon. Mas more pressure right now because there’s a lot of artist doing concerts also the same time as mine,” paliwanag ni Kyla.

“Siguro may pressure because itong concert na ‘to is also the celebration of my 15th year in the music industry, I just want to do good. Siguro that’s the pressure lang for me because I do want to do good, I just want to give them a great show,” dagdag pa ng R&B queen.

Bukod sa pagkanta ay masasaksihan din ng mga manonood si Kyla na hahataw sa pagsasayaw sa nasabing concert. “Yes, I will be dancing. Siyempre it’s challenging because I haven’t done it in a while since I gave birth but I know I can do it with the right amount of practice, right amount of time that I will give sa rehearsal namin. Kaya naman ‘yan, sabi nga nila, ‘I can do all things through Christ who strengthens me.’” nakangiting pahayag ni Kyla.

A SE ACIRC ANG BEA ALONZO HONOR THY FATHER JOHN LLOYD JOHN LLOYD CRUZ KAKAIBANG JOHN LLOYD KAYA KYLA SIGURO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with