Ad agency malaki ang problema sa TVC ng AlDub
Ad agency malaki ang problema sa TVC ng AlDub
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2015 - 9:00am

Nagkaproblema ang ad agency sa pagbabawal ng ABS-CBN na ipalabas sa kanila ang TVC ng endorsements nina Alden Richards at Maine Mendoza. Ano kayang hakbang ang gagawin ng mga ad agency kung ang TVC’s ng produkto nila ay sa TV5, GMA-7 at ibang networks lang mapapanood?

Marami pa namang susunod na en­dorse­ments ang AlDub loveteam bukod sa mga umeere na ngayon. May hindi pa umeere gaya ng fabric conditioner, detergent, shampoo, at marami pang iba.

Magkakatalo talaga sa shampoo TVC dahil isang Kapamilya star ang image model nito ngayon and the same shampoo brand ang i-e-endorse ng isa sa AlDub love team. Hindi ma­linaw kung pinalitan ang Kapamilya star o dagdag na endorser lang ang half ng AlDub loveteam.

Also, malabong makadalo si Alden sa Push Awards mamaya dahil may shooting ito ng My Bebe Love at kung magkasama sila ni Maine, hindi rin ito makakapunta sa awards night. Ang alam namin, hindi na nag-participate ang AlDub Nation sa Push Awards, pero hintayin pa rin natin kung may mapapanalunan ang AlDub love team.

Liz Uy anim na kaso ang isinampa sa blogger sa ‘recycled gown’ daw

Update sa kasong isasampa ni Liz Uy laban kay Michael Sy Lim ng Fashion Pulis, six libel complaints at one slander complaint ang isasampa ng stylist laban sa blogger kahapon. Dahil ito sa na-post sa Fashion Pulis na recycle ang gown na isinuot ni Maine Mendoza sa October 24 episode ng Eat Bulaga.

Sabi ng lawyer ni Liz na si Atty. Irene Besido-Garcia, kasama rin sa inereklamo ni Liz ang tweets ni Fahion Pulis sa Twitter. Si Atty. Besido-Garcia ay senior partner sa Kapunan, Garcia, at Castillo Law Offices at ka-partner siya ni Atty. Lorna Kapunan na legal counsel din ni Liz sa kanyang mga reklamo kay Fashion Pulis.

Sino kaya ang lawyer na kukunin ni Fashion Pulis para itapat kina Atty. Kapunan at Atty. Besido Garcia?

Mikael ibinuko ang pagpapa-misteryo ni Megan

Magtatambal for the first time ang real life couple na sina Mikael Daez at Megan Young sa isang episode ng Dangwa na pinagbibidahan ni Janine Gutierrez. First time magsasama ang dalawa, kaya tuwang-tuwa ang kanilang fans.

Hindi sila puwedeng magkasama sa primetime dahil si Megan ay nasa Marimar at si Mikael ay kabilang sa cast ng My Faithful Husband. Mabuti at kinuha sila ng GMA News & Public Affairs sa Dangwa at natupad ang matagal nang dream ng kanilang fans na sila’y mapanood sa isang project.

‘Kaaliw lang dahil pinahulaan pa ni Megan kung sino ang “first time” niyang makakasama, samantalang si Mikael, nag-post ng video ni Megan na natutulog sa taping. Nag-selfie pa ang aktor habang natutulog ang aktres and hopefully, hindi nila ito pag-awayan.

Talo nga lang sina Mikael at Megan ni direk Adolf Alix, Jr., na pinost ang picture nila sa kanyang Instagram (IG) account kasama si Janine. Nauna na ring pinost ni direk Adolf ang picture niya with Megan and Mikael na magkahiwalay, doon pa lang, alam nang magtatambal ang dalawa sa Dangwa.

JM at Jessy sakit ng ulo ang isa’t isa

Natuwa ang fans ni JM de Guzman sa mga bago niyang posts sa IG dahil parang masaya at masigla na uli siya. Wala na sa “problema mode” ang aktor at sabi nga ng isa niyang follower ay “may buhay” na uli ang posts nito.

Nag-post siya ng picture nila ng ex-girlfriend ni­yang si Jessy Mendiola noong sila pa, magkayakap at nakahalik siya sa noo nito. Ang caption ni JM sa picture ay “Wanted: i miss you...) ang paboritokongsakitsaulo (hashtag yata ito, hindi niya nalagyan ng HT sign). Congrats sa soap.:)”

Ang isa pang pinost ni JM ay video at nakasakay siya sa motorsiklo at may nag-comment na kuha ‘yun sa shooting ng pelikulang tila Tandem ang title at entry daw sa MMFF (Metro Manila Film Festival) New Wave Category. Ibig sabihin, may movie pa rin siya sa filmfest sa December kahit pinalitan siya ni Jericho Rosales sa Walang Forever kapareha si Jennylyn Mercado.

Naka-military uniform si JM habang sakay ng motorsiklo sa video at parang sundalo ang kanyang role. Kaya naman pala nagpa-semi kalbo ito at ang sabi ay three days tumagal ang pagse-shave niya ng buhok dahil parang may stages.

Sinagot pala ni Jessy ang HT ni JM na “ang paboritokongsakitsaulo” ng “Mas sakit ka sa ulo,” pero nagpasalamat sa pagko-congratulate sa kanya sa bago niyang soap sa ABS-CBN. Ibig bang sabihin nito ay pina-follow pa rin nila ang isa’t isa sa IG kahit break na sila?

ACIRC ANG DANGWA FASHION PULIS LIZ LIZ UY MAINE MENDOZA MEGAN MIKAEL NBSP PUSH AWARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with