Dahil sa ‘recycled gown’ daw ni Yaya Dub Liz Uy magdedemanda!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2015 - 9:00am

Hindi pa pala tapos ang isyung recycled gown na suot ni Maine “Yaya Dub” Mendoza sa Tamang Panahon episode ng Eat Bulaga noong October 24. Na-report sa isang broadsheet na parang magsa­sampa ng online libel at slander si Liz Uy laban kay Michael Sy Lim ng Fashion Pulis blog.

Wala pang reaction si Fashion Pulis tungkol dito at pinost pa sa blog niya ang item kung saan na-report ang pagpa-file ng kaso ni Liz Uy laban sa kanya.

Heart ang lakas ng kita sa pagpipinta

Kahapon ang book launching ng beauty book ni Heart Evangelista na This Is Me, Love Marie na ginawa sa National Bookstore Glorietta. May kasunod na book signing ang book launch ng beauty book na for sale for P295. May e-book version din ito.

As of now, hit pa rin sa mga may Hermes bag ang ginagawa niyang painting sa mga bag.

Nabanggit ni Heart sa taping ng Beautiful Strangers na depende sa bag at sa gusto na painting ng owner ng bag ang hinihingi niyang bayad. Ang pinaka­mababang kabayaran na hinihingi niya ay P60,000.

 

ACIRC ANG BEAUTIFUL STRANGERS EAT BULAGA FASHION PULIS HEART EVANGELISTA LIZ UY LOVE MARIE MICHAEL SY LIM NATIONAL BOOKSTORE GLORIETTA NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with