Ni hindi dinalaw sa hospital Lovi wala paki nang magka-vertigo si Rocco
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2015 - 9:00am

Nakabantay ang fans nina Rocco Nacino at Lovi Poe sa Instagram (IG) ng dalawa, kaya alam nila na hanggang ngayon, hindi pa rin sila nagpo-post ng picture na magkasama.

Wala pa rin silang banggitan sa isa’t isa kahit nadala sa Medical City si Rocco dahil sa BPV o Benign Positional Vertigo.

Kuwento ni Rocco, umalis siya sa taping ng Beautiful Strangers dahil hindi siya makapag-concentrate at kinailangan na siyang dalhin sa hospital. Na-diagnose ng doctor na over fatigue siya from work, low immune system at may infection pa. Dumaan si Rocco sa blood test, pero after ng blood test, deretso siya sa airport dahil may event sa Davao na kanyang dadaluhan.

Na-compare tuloy ng fans nina Rocco at Lovi noong pareho silang makagat ng pet dogs ni Lovi, dinala nila ang isa’t isa sa hospital at nagbantay pa. Pero ngayon, hindi nagparamdam si Lovi na lalong ikinababahala ng kanilang fans.

Bale ba, malapit nang magtapos ang Beautiful Strangers  at hindi rin yata magkakabalikan ang kanilang mga karakter dahil may Heart Evangelista si Rocco at may Benjamin Alves si Lovi.

Ang latest picture nina Rocco at Lovi ay sa taping ng teleserye nila sa GMA 7, pero kasama ang ibang cast at magkalayo silang dalawa.

Alden at Yaya Dub meron na ring Maria Leonora Theresa

Ituloy kaya ng lawyers ni Mr. Tony Tuviera ng APT Entertainment na idemanda ang publisher ng bookazine na ginamit ang AlDub ng walang permiso? Pinag-aralan daw ng abogado kung ano ang dapat gawin dahil nga hindi nagpaalam ang publisher at basta na lang lumabas sa newsstand ang bookazine. Labas ang usaping pera rito, respeto ang hinabol ng kampo nina Mr. Tuviera at Atty. Felipe Gozon.

Ang Yes at Preview  lang pala ang nagpaalam at nakipag-coordinate kina Mr. Tuviera at Atty. Felipe Gozon ng GMA Network at nitong huli, pinayagan din nila si Noel Ferrer na gamiting cover ang AlDub para sa Filipino version ng libro niyang Mag-Artista Ka due for release sa December.

Samantala, pinatawa at pinakilig na naman nina Alden at Maine ang kanilang fans sa episode kahapon ng kalyeserye ng Eat Bulaga nang gayahin sina Tirso Cruz III at Nora Aunor kasama si Maria Leonora Theresa.

Tuwang-tuwa ang Guy and Pip fans sa panggagaya ng AlDub love team sa tambalang una nilang minahal.

Lani Misalucha sumasayaw na rin sa concert

Nagbigay ng sample sina Lani Misalucha at Arnel Pineda kung ano ang ma-i-expect sa concert sa Voice of The Nightingale nang mag-duet ng ilang lines ng How Do You Keep The Music Playing sa presscon ng two-night concert ni Lani. Guest si Arnel sa concert slated at the Theater at Solaire sa December 4 and 5.

Unang ginawa ni Lani ang Voice of the Nightingale sa California at Chicago at ngayon, mapapanood ng kanyang fans sa Pilipinas. Kasama rin ni Lani sa Chicago si Arnel.

In-assure ni may konting dance number at may bagong maririnig sa kanyang repertoire sa two-night concert. Produced ito ng Starmedia Entertainment for the benefit of PMA Makatao Class of 1989 at St. Paul College Manila Class of 77 for Bahay ni Maria Home for Abandoned Grandmothers in Calamba and Little Sisters of the Poor-San Lorenzo Ruiz Home for the Elderly.

Sa presscon, sinabi ni Arnel ang “I think she’s the best singer here in the Philippines. Makasama mo lang siya kahit kalahating song lang, you’ll be proud na Filipino rin siya. I’m such a big fan, me and my wife,” patungkol ni Arnel kay Lani.

Tickets are available at Ticketworld outlets and all SM Tickets outlets.

Benjie libreng magpalundag-lundag sa mga istasyon

Magkasama na uli sa The Half Sisters ang mag-amang Benjie at Andre Paras, pero sa napanood namin, hindi sila magkasama at magkaiba pa ng location ng taping.

Malaking tulong na walang kontrata si Benjie sa alinmang network at kaya niyang magpalipat-lipat sa ABS-CBN at GMA 7. Pati yata sa pelikula, kahit saan, puwedeng gumawa si Benjie, sa ngayon sa Viva Films muna siya gumawa ng pelikula.

Magkasama sila ni Andre sa Wang Fam na showing sa November 18 at sa direction ni Wenn Deramas. Mag-ama rin ang role nina Benjie at Andre sa pelikula at pareho silang vampire.

ANG ARNEL BEAUTIFUL STRANGERS BENJIE FELIPE GOZON LANI LANI MISALUCHA LOVI MARIA LEONORA THERESA NBSP ROCCO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with