Alden dinumog ng 50k sa Iloilo!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2015 - 9:00am

Hindi na talaga puwedeng tawaran ang sobrang kasikatan ngayon ng tina­guriang Pambansang Bae na si Alden Richards na kahit hindi niya kasama ang kanyang ka-loveteam na si Maine “Yaya Dub” Mendoza ay nakaya nitong makaipon ng halos 50,000 katao sa GMA Kapuso Fans Day last Friday, November 6 na ginanap sa labas ng Robinson’s Place sa Iloilo City.

Nagmistulang dagat ng mga tao ang buong paligid ng Robinson’s Place na nagtiyagang maghintay na makarating at makasampa sa stage ang pinakasikat ngayong Kapuso singer-actor.

Para makalapit sa stage area, ang iba sa kanila ay dumating as early as 11:00 a.m. at nagtiyagang maghintay ng ilang oras hanggang sa pagsisimula ng show ng pasado alas-9 ng gabi dahil na-delay umano ang flight ni Alden.

Hindi lamang ang Eat Bulaga ang nakatagpo ng goldmine sa pamamagitan nina Alden at Maine Mendoza kundi laluna ang home studio ni Alden, ang GMA 7 at ang GMA Artist Center na siyang namamahala ng kanyang career.

Never pa nakaranas ang GMA Artist Center sa kanilang mga contract talents o stars ng ganito kainit ang response ng publiko at ganito ka-in-demand liban kay Alden.

Pokwang balik sa pinagmulang show

Malilipat na sa linggo ng gabi ang long-running gag show ng ABS-CBN, ang Banana Split na magiging Banana Sundae na.

Nag-i-enjoy ang mga bagong karagdagan sa programa na sina JC de Vera at Jessy Mendiola dahil bukod sa masaya ang programa at ang tropa, kakaiba ito sa kanilang ibang ginagawa tulad ng teleserye na kadalasang drama at seryoso.

Sa paglipat ng araw ay babalik na rin umano sa programa ang singer-comediene na si Pokwang kaya lalong masaya at magulo ang tropa na kinabibilangan nina Angelica Panga­niban, John Prats, Jason Gainza, Ryan Bang, Pooh at iba pa.

Ang Banana Split na magiging Banana Sundae ay konsepto at pinamamahalaan ni Edgar “Bobot” Mortiz.

Tom maraming nadiskubre kay Carla

Mukhang enjoy sa isa’t isa ang rumored sweethearts na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana, mga pangunahing bituin ng pelikulang NBSB (No Boyfriend Since Birth) mula sa panulat at direksiyon ni Joey Javier Reyes under Regal Films.

Inamin ng dalawa na nagsimula ang kanilang closeness sa isa’t isa sa set ng now-defunct TV drama series ng GMA, ang My Husband’s Lover and since then ay exclusively dating na sila.

“We have so many things in common,” pag-amin ng Waray actor na si Tom.

“Maraming magagandang qualities si Carla na hindi alam ng publiko,” dugtong nito.

“Whenever we’re doing a project together, mas masaya siyempre kami dahil parati kaming magkasama,” pag-amin pa ng ex-PBB housemate nang maging guest naming sila ni Carla sa Celebrity Talk segment ng Walang Tulugan with the Master Showman.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG ANG BANANA SPLIT ANGELICA PANGA ARTIST CENTER BANANA SPLIT BANANA SUNDAE CARLA CARLA ABELLANA CELEBRITY TALK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with