^

Maja hindi mabenta ang concert tickets!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2015 - 9:00am

PIK: Dalawang taon nang ginugunita ang pagsalanta ng bagyong Yolanda, at kumalat sa social media ang interview dati ni Karen Davila kay Congresswoman Lucy Torres sa ANC.

Nakakainit ng ulo ang interbyung iyun na kung saan inihayag ni Lucy ang kapalpakan ng gobyerno sa pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Pero ipinagmamalaki naman ni Richard Gordon ng Philippine National Red Cross na sa ngayon ay 86 percent na ng mga bahay na naitayo nila para sa mga nasalanta ng Yolanda, bilang recovery program ng naturang ahensya.

PAK: Isang kaibigan namin ang namumroblema kung paano niya mabebenta ang mga tickets ng nalalapit na concert ni Maja Salvador sa SM MOA Arena na Majasty.

Nung nakausap namin siya kamaka­lawa lang ay mahina pa raw ang bentahan ng tickets, kaya nabigyan daw siya ng madami-daming tickets na dapat maubos nito.

Ewan ko lang kung pumalo na ngayon ang bentahan ng tickets dahil nung tinanong namin ang isang kaibigan, hindi raw talaga ganun ka-okay ang ticket sales.

BOOM: Naki­pag-areglo ang promoter ng isang show sa Bohol na kung saan ginamit nila sina James Reid at Nadine Lustre sa isang concert nung nakaraang October 23.

Ang promoter na si Ramon Acuna ang na­ngako sa mga Boholano na ang JaDine daw ang tampok sa Big Event concert. Pero hindi naman pala ito nakipag-ayos sa Viva Artists Agency, Inc. na kukunin nila ang JaDine.

Ang palusot na lang nitong Acuna ay hindi raw umabot sa eroplano sina James at Nadine.

ACIRC ANG BIG EVENT CONGRESSWOMAN LUCY TORRES JAMES REID KAREN DAVILA MAJA SALVADOR NADINE LUSTRE PERO PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS RAMON ACUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with