^

Nabuko kasi sa video lalaking nagpauso ng Big Event ng JaDine sa Bohol para perahan ang fans, nag-public apology!

(Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Ramon Einstein Acuna pala ang name ng lalake na umamin na nilinlang niya ang maraming tao dahil sa kanyang pralala na hindi makakasipot sina James Reid at Nadine Lustre sa Big Event concert sa Bohol noong October 23 dahil hindi nakasakay sa eroplano ang sikat na loveteam ng Viva Films at Viva Artists Agency.

Hindi alam ni Acuna na nakunan siya ng video habang nagpapaliwanag at ito ang naging ebidensya na kasinungalingan ang lahat ng mga pralala niya.

Awang-awa ako sa fans na bumili ng tickets at nalinlang ni Acuna. Alam naman natin na talagang gumagawa ng paraan ang fans sa probinsya para makita nang personal ang favorite stars kaya so pathetic sila sa panloloko sa kanila ni Acuna na nagsisisi na ngayon.

Walang choice si Acuna kundi aminin ang the truth and nothing but or else, magkakaroon siya ng court case sa Pasig City na masyadong malayo mula sa Bohol at tiyak na ipagdurusa niya.

Detalyado ang public apology ni Acuna na inako ang lahat ng kasalanan. Mabuti na lang, kumalat ang video niya kaya may matibay na ebidensya ang Viva Artists Agency kung sakaling itinuloy nila ang pagdedemanda.

Nakakuha si Acuna ng appointment sa VAA dahil namagitan si Mr. Gunn Roque, ang aking friend na big boss ng M&Co at Vantage International.

Tinawagan ako ni Papa Gunn sa telepono at hiningi niya ang tulong ko para magkaroon siya ng komunikasyon sa VAA. Franchisee ng Vantage International ang Vantage International Bohol kaya walang kinalaman ang kompanya ni Papa Gunn sa kahihiyan na ibinigay sa kanila ni Acuna.

At dahil may mabubuting kalooban ang VAA people, pinatawad  nila si Acuna, kapalit ang public apology at ang pangako niya na ibabalik ang pera na ginastos ng pobreng fans.

Hindi na sagot ng VAA ang magiging resbak ng fans na naabala at nilinlang ni Acuna na wish ko lang, natuto na ng importanteng leksyon. Ito ang emosyonal at punumpuno ng pagsisisi na public apology ni Acuna:

“Ako po si Ramon Einstein Acuna at nais kong humingi ng paumanhin sa publiko sa panlilinlang ko na darating si James Reid at Nadine Lustre sa Bohol para dumalo sa concert na Big Event.

“Noong Oktubre 23, 2015, araw ng concert, nagpahayag ako sa mga dumalo sa  Big Event na hindi makakarating sila G. Reid at Bb. Lustre dahil hindi sila nakaabot sa paglipad ng kanilang eruplano. Bukod pa roon ay nangako ako na magkakaroon ng fans’ day kasama ang dalawang artista sa ibang araw.

“Gusto ko pong linawin ngayon na wala akong kontrata at hindi ako nakipag-ugnayan sa Viva Artists Agency, Inc., ang manager ni G. Reid at Bb. Lustre, para sa  Big Event or sa kahit anong fans’ day. Ginamit ko po ang mga pangalan nila James Reid, Nadine Lustre at ng Viva na walang pahintulot.

“Nais ko rin ko pong ipahiwatig na walang kinalaman ang kumpanyang Vantage International sa pagplano o sa pagkansela ng kahit anong concert sa Bohol.

“Ang aking mga aksyon at mga binitiwang salita kaugnay ng  Big Event ay bunga ng sarili kong pagpasya.

“Inuulit ko pong humihingi ako ng kapatawaran sa Viva, sa Vantage International, kina James Reid at Nadine Lustre, sa mga taga-suporta ng JaDine at sa lahat ng taong naloko ko sa ginawa kong panlilinlang. Lahat ng bumili ng tickets para sa Big Event ay bibigyan ko po ng refund.”

ACIRC ACUNA ANG BIG EVENT BOHOL JAMES REID NADINE LUSTRE PAPA GUNN RAMON EINSTEIN ACUNA VANTAGE INTERNATIONAL VIVA ARTISTS AGENCY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with