Biggest reunion ng housemates ni Kuya, masasaksihan sa Big Night!
(Pilipino Star Ngayon) - November 6, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Matapos ang limang buwang puno ng mga pasabog at sorpresa, makikilala na ang Teen Big Winner at Adult Big Winner ng Pinoy Big Brother 737 sa makasaysayang Big Night nito ngayong weekend (Nov. 7 at 8), live mula sa Albay Astrodome, Legazpi City.

Pag-aagawan ang titulong ito ng Teen Big 4 na sina Bailey, Franco, Jimboy, at Ylona at ang Adult Big 4 na sina Dawn, Miho, Roger, at Tommy. Sino kaya para sa publiko ang pinaka-nagpakatotoo sa loob ng Bahay ni Kuya sa kanilang pananatili rito?

Tuluy-tuloy lang ang botohan kaya ipakita ang suporta para sa paboritong housemate sa pamamagitan ng pag-text ng BB (name of housemate) at i-send ito sa 2366. Tanging isang boto para sa isang teen housemate at isang regular housemate lang ang maaaring ipadala gamit ang isang SIM card.

Gaya ng mga naunang edisyon, ang housemate na siyang makakakuha ng pinakamataas na porsiyento ng mga boto ang tatanghaling Big Winner. Ang tatanghalin namang Big Winner ay magwawagi ng Asian tour package, house and lot, at P1 milyon.

Bukod naman sa pagsalubong sa dalawang Big Winners, magaganap din sa Big Night ang pinakamalaking reunion ng housemates mula sa 12 na edis­yon para ipagdiwang ang sampung taon teleserye ng totoong buhay. Pakaabangan din ang performance ng bandang Orange and Lemons, ang orihinal na nag-perform ng iconic theme song ng PBB na Pinoy Ako.

Ngayong linggo, nasaksihan ng taong bayan ang muling pagpasok ni Mariel Rodriguez-Padilla, dating PBB host at ang tinaguriang ‘kapitbahay ni Kuya’. Bilang ang ikatlong celebrity house guest na pumasok ng bahay, tinulungan niya ang sambayanan sa pagpili ng karapat-dapat na hiranging Big Winner sa pamamagitan ng pagbibigay ng hamon sa housemates. 

Bukod kay Mariel, inimbitahan din ni Big Bro­ther ang iba’t ibang hosts ng It’s Showtime na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Jhong Hilario, at Vice Ganda sa loob ng bahay.

Tutukan ang Pinoy Big Brother 737: The Big Night ngayong Sabado at Linggo (Nov 7 at 8) kasama ang hosts na sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Enchong Dee, at Toni Gonzaga sa ABS-CBN.

ACIRC ADULT BIG ADULT BIG WINNER ALBAY ASTRODOME ANG ANNE CURTIS BIANCA GONZALEZ BIG BIG NIGHT BIG WINNER PINOY BIG BROTHER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with