JaDine fans umaasang magiging sila na
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - November 6, 2015 - 9:00am

Tulad ng AlDub Nation na umaasang matutuloy sa totohanan ang relasyon nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza, ganito rin ang ina­a­sahan ng fans ng JaDine love­team nina James Reid at Nadine Lustre who, in real life ay close na magkaibigan lamang.

Naniniwala ang mga tagahanga ng On The Wings of Love lead stars na may pagtatangi na ang dalawa sa isa’t isa pero ayaw lamang nila umanong ilabas at mas pinapaboran nila pareho ang kanilang friendship at pagiging professional sa kanilang trabaho.

Ang pagbibigay ni James ng isang cute Maltese puppy kay Nadine as his belated birthday gift ay isang indikasyon na merong itinatagong damdamin ang young actor sa ka-loveteam, bagay na ikinakilig hindi lamang ng dalaga kundi ng kanilang fans.

Pinangalanang Clarky ni James ang puppy na regalo niya kay Nadine na hango sa kanyang OTWOL character na Clark.

Pambato ng ‘Pinas sa Miss International hindi umuwing luhaan

Hindi man naiuwi ni Janicel Lubina ang Miss International crown sa katatapos pa lamang na coronation night na ginanap sa Grand Prince Hotel Tanakawa in Tokyo, Japan recently, she made it to the Top Ten at siya rin ang nahirang na Best Dresser.

Unknown to many, si Janicel ay namasukang dating katulong at farmer ng Narra, Palawan bago siya sumali sa iba’t ibang beauty competition at kasama na rito ang 2013 Miss World Philippines kung saan siya ang naging runner-up ni Megan Young na nanalong Miss World.

Nang siya’y sumali sa Bb. Pilpinas ay siya ang nanalo to represent Miss International at pumasok nga sa Top Ten na kinabilangan ng crowned Miss International na si Edymar Martinez ng Valenzuela, Honduras, Kenya, Vietnam, Philippines, USA, Thailand, UK, Mexico, at Brazil.

In 2013, ang Filipina beauty na si Bea Rose Santiago ang nanalong Miss International.

Sarah at Matteo pinagtatawanan ang ‘hiwalayan’

Almost two years ang age gap ng magkasintahang pop princess na si Sarah Geronimo at triathlon-actor na si Matteo Guidicelli. Older si Sarah kay Matteo ng almost two years pero hindi ito issue sa dalawa dahil ang mahalaga ay nagkakaintindihan sila.

Since parehong popular personalities sina Sarah at Matteo, hindi talaga maiaalis na siya’y main­triga sa iba’t ibang issues at kasama na rito ang balitang nagkakalabuan diumano ang dala­wa dahil kay Shaina Magdayao na nakapareha ni Matteo sa isang special TV series ng Cinema One, ang Single/Single na produced ng The Phi­lippine STAR.

Natatawa na lamang ang magkasintahan dahil mas alam nilang dalawa kung ano ang totoo.

ACIRC ALDEN RICHARDS ALIGN ANG BEA ROSE SANTIAGO LEFT MATTEO MISS INTERNATIONAL QUOT STRONG TOP TEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with