Lani hindi mapakali ‘pag nasa Pilipinas
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 4, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Hindi nakukuntento ng bansa si Lani Misalucha tuwing nandito siya for a singing engagement.

Basta pagkakatapos niya ng concert or appearances, nagmamadali na silang mag-asawa (Noli, pangalan ng mister niya) na bumalik ng Amerika para makita at makalaro ang kanyang apo.

Minsan daw ayon kay Lani, dalawang beses silang bumibiyahe ng bansa sa loob ng isang buwan. Sa US na kasi nakabase ang pamilya ni Lani at sa ngayon hindi niya pa alam kung saan ba sila magse-settle na mag-asawa.

Kahapon ay humarap sa entertainment media si Lani with Arnel Pineda para sa concert nilang Voice of the Nightingale sa December 4 and 5 sa The Theater ng Solaire.

Pero ang isang ikinadidismaya niya ngayon ay ang isyu ng tanim-bala na nakakasira nga naman sa ating bansa. Aniya, panay pa naman ang imbita niyang bisitahin ang Pilipinas, pero heto at mainit ang isyu ng tungkol sa tanim-bala.

“Kailangan prevention na lang talaga at gawan natin ng paraan para hindi tayo mabiktima,” pahayag ng Asia’s Nightingale kahapon.

Arnel takot mag-solo concert sa ‘Pinas

Takot mag-solo concert ang iconic 80s band Journey vocalist na si Arnel Pineda sa ‘Pinas. Ayon kay Arnel na kasalukuyang nasa bansa, wala pa siya sa level nina Regine Velasquez, Gary Valenciano, Martin Nievera at Lani Misalucha.

Baka raw, mga langaw lang ang manood sakaling mag-concert siya let say sa venue na 20k ang capacity.

“Pagdating sa Pilipinas, alam naman natin na sina Lani, si Regine, si Gary, si Martin. Tingnan natin kung suwertihin ang aking ginagawang album at merong lumusot na maging popular sa masa, siguro, mag-attempt ako ng mala­king show.

“Pero for now, wala akong lakas ng loob kasi. Mahirap!”

Sa banda kasi nilang Journey, sisiw ang 20,000 na capacity.

“Madaling-madaling mag-concert ng 20,000 capacity. At the moment, kung magsu-show ako sa 20,000 na venue, baka 20,000 na la­ngaw ang manood!” pabirong sagot ni Arnel kahapon.

Last week lang nag-perform si Arnel kasama ang grupo sa National Football League, sa Arizona ng national anthem ng Amerika - The Star Spangled Banner.

From The Top ni Sarah may second night na agad

May second night na pala ang From The Top concert ni Sarah Geronimo sa December 4 na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Nag-decide na raw ang Viva na mag-second night, sa December 5, dahil sold out na ang December 4 tickets, para pagbigyan ang demand ng fans na hindi nakabili for December 4.

Madali raw kasing nagkaubusan ng tickets nang simula nang i-announce nila na available na ang tickets last October kaya agad-agad silang nag-decide na magkaroon ng second night.

Pang-8th major concert ni Sarah ang From the Top kaya naman todo raw ang paghahanda ni Sarah.

Malamang kasi nasabik ang fans niya kaya nag-unahan silang bumili ng tickets.

Tiyak din na aabangan ang mga susuutin niyang gown tulad sa mga nauna niyang concert ‘di ba.

ACIRC AMERIKA ANG ARANETA COLISEUM ARNEL ARNEL PINEDA CONCERT FROM THE TOP LANI LANI MISALUCHA MAG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with