Justin Bieber nagpapatawag sa 69-M na followers!
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - November 1, 2015 - 9:00am

Hoy, kwidaw tayo ha! Kung si Justin Bieber ay nagawang layasan ang concert niya sa Norway dahil inis sa mga front row audience na hindi naka-focus sa kanya, baka naman gayahin siya ng kahit sinong magpi-perform dito sa atin, local artist man o foreigner.

Pero ang nakakaaliw umano rito kay Justin ay ikinakalat niya sa kanyang Twitter account na may 69 million followers ang kanyang mga telephone number kung saan puwede raw siyang tawagan ng fans pag kailangan ng kanyang pagmamahal. Wow naman.

Paulo inaabangan kung susuwertihin din

Isa pang bayani ang tampok sa ikalawang biopic na ididirek ni Jerrold Tarog. Ito ang Gregorio del Pilar na pagbibidahan ni Paulo Avelino.

Swerte ni Paulo dahil kung gagastusan din ang biopic ni Del Pilar walang dahilan para hindi uli ito maging matagumpay gaya ng Heneral Luna ni John Arcilla.

Kris inaatake ng stress ‘pag nasa trabaho?!

Napalitan na ang Japan ng Hawaii bilang pinakapaboritong bakasyunan ni Kris Aquino. Paano ba niya hindi magugustuhan ang bansa, eh bumaba ang kanyang blood pressure at nawala ang kanyang stress.

O baka naman bumalik ito kapag nagsimula na naman siyang magtrabaho ng kanyang MMFF (Metro Manila Film Festival) project lalo’t maraming intrigang kakabit ito.

ANG DEL PILAR GREGORIO HENERAL LUNA JERROLD TAROG JOHN ARCILLA JUSTIN BIEBER KRIS AQUINO METRO MANILA FILM FESTIVAL PAULO PAULO AVELINO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with