International news na kasi Manny pinagbibintangang ginagamit ang laglag-bala para sa eleksyon
SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - November 1, 2015 - 9:00am

SEEN: Ang impersonation ng comedian na si Eric Nicolas kay Claire dela Fuente sa Your Face Sounds Familiar noong Sabado. Pinag­halong Sharon Cuneta at ABS-CBN executive Cory Vidanes ang naging hitsura ni Eric sa makeup transformation sa kanya.

SCENE: Mas kamukha ni Michael Pangili­nan ang stand up comedian na si Jon Santos kesa kay Hajji Alejandro sa makeup transformation niya sa Your Face Sounds Familiar noong Sabado.

SEEN: Nagbalik si Mariel Padilla sa Pinoy Big Brother House bago ganapin ang big night ng PBB 737 sa November 7 at 8 sa Albay Astrodome, Legaspi, Albay.

SCENE: Pinatulan na ng international news ang laglag-bala scam sa worst airport in the world, ang Ninoy Aquino International Airport. Hindi na nag-iisa si Lea Salonga sa panawagan nito sa mga biyahero na mag-ingat sa pagbisita sa Pilipinas.

SEEN: Pinupuri ang alok na tulong ni Manny Pacquiao para sa mga biktima ng laglag-bala scam sa NAIA. At the same time, pinagbibintangan siya ng kanyang detractors na ginagamit ang isyu para sa senatorial bid niya sa 2016.

SCENE: Natapos noong Sabado ang shooting ng Haunted Mansion, ang official entry ng Regal Entertainment, Inc. sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

SEEN: Payat na Janice de Belen ang mapapanood sa Haunted Mansion na mula sa direksyon ni Jun Lana.

SCENE: Ang pasasalamat ni Mike Tan sa direktor na si Joey Reyes at sa mga producer ng Regal Entertainment, Inc. dahil isinama siya sa cast ng No Boyfriend Since Birth.

ACIRC ALBAY ASTRODOME ANG CORY VIDANES ERIC NICOLAS HAJJI ALEJANDRO HAUNTED MANSION REGAL ENTERTAINMENT SABADO STRONG YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with