^

PSN Showbiz

Kris bumaba ang BP sa lamyerda sa Hawaii

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pabalik na ng Pilipinas mula sa bakasyon nila sa Waikiki, Hawaii si Kris Aquino at mga anak na sina Bimby at Josh kaya inilalagay na nito sa pino-post na pictures sa Instagram (IG) kung saan sila nagbaksyon.

Isa sa magandang idinulot ng pagbabakasyon ni Kris ay ang pag-norma­lize ng blood pressure niya. Nagustuhan ni Kris ang Hawaii at ito na raw ang favorite “Happy” place niya at hindi na Japan.

Tuloy pa rin naman siguro ang MMFF (Metro Manila Film Festival) entry nina Kris at Derek Ramsay dahil wala pa namang sinasabi ang Star Cinema na hindi na itutuloy ang pelikula. Tsinek namin ang IG ni director Antoinette Jadaone at wala rin itong binabanggit about the movie. May post lang ito na “Aburido na si Pag-ibig at ang hashtag ay #AllYouNessIsPagibig.”

Vina at ex ng French bf matindi ang awayan sa social media

Nakakaloka sina Vina Morales at Avi Siwa, ang present at ex ng French guy na si Marc Lambert dahil nagpapaligsahan sa pagpo-post ng throwback photos nila. Gusto nilang ipaalam kay Avi kung sino ang mas naunang nakakilala sa lalaking minahal at minamahal nila.

Sa picture na pinost ni Vina sa IG, nakalagay na November 8, 2012 pa niya nakilala si Marc, wala lang ligawang nangyari that time. Second meeting nila, si Chavit Singson ang nagpakilala sa kanila and the rest is history.

“My Marc” ang tawag ni Vina sa BF at “My Ceana” rin ang tawag niya sa kanyang anak. Ang ginaga­mit na hashtag ni Vina sa post niya ‘pag tungkol sa BF ay #MLoveV. Kinorek pa siya ng bashers niya na dapat may “s” sa hashtags niya.

Ipinagtanggol din ni Vina ang BF sa bashers na nagsabing wala itong ibang damit kundi ang light blue long sleeve polo. Sabi ni Vina, “P.S. yes, he is wearing light blue shirt again coz most of his shirts are light pink and light blue from Paul Smith.”

Pero walang panalo si Vina sa throwback pictures na pino-post ni Avi na “My Marc” din ang tawag sa ama ng kanyang anak dahil mas marami silang pictures together at karamihan pa ay naghahalikan sila. May pictures din sina Marc at ang baby nila at comment ng mga nakakita, para raw iniinggit nito si Vina.

Pinost din ni Avi ang email ni Vina sa kanya at nakalagay sa sulat na matagal na silang separated, na naka-move on na ang guy kay Avi at sabi pa “we’re very much together, so pls let us be.”

Sino kaya ang mananalo kina Vina at Avi sa social media “war” na ito? Stay tuned tayo at siguradong hindi magtatapos sa throwback iringan nila.

Alden at Maine buhos ang blessings

Sunud-sunod ang launching ng endorsement ng AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza. After ng presscon Snowcaps solo endorsement ni Alden, sunod na itinaas ang billboard nila ni Maine ng Coca-Cola.

Naka-schedule sa papasok na linggo ang launching ng endorsement nila ng Downy. Pumirma na rin ng kontrata ang AlDub to endorse Hapee toothpaste at marami pa silang susunod na endorsement. May magkasama sila at mayroon ding solo endorsements. 

Paulo Avelino tuloy na ang pagsunod sa yapak ni John Arcilla

May pinost na picture si Mon Confiado na magkasama sila ni Paulo Avelino at ang caption ay “Heneral Gregorio “GOYONG” del Pilar films is officially in development. Watch out for it.” May hawak na picture si Paulo ni Gregorio del Pilar at nasa background ang poster ng Heneral Luna ni John Arcilla.

Marami ang natuwa sa ibinalita ni Mon dahil ibig sabihin, tuloy na ang pagsasapelikula sa biopic ni Gregorio del Pilar. Ang biopic ni del Pilar ang second sa trilogy na binanggit ni director Jerrold Tarog na kanyang gagawin.

Marami na rin ang naghihintay sa biopic ni Manuel L. Quezon na pangatlo sa trilogy at sana ay hindi mapalitan si Benjamin Alves. Ang aktor ang gumanap na Lt. Manuel L. Quezon sa Heneral Luna pa rin.

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

AVI

HENERAL LUNA

JOHN ARCILLA

MANUEL L

MY MARC

NBSP

PAULO AVELINO

VINA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with