Pamilya ni Amalia Fuentes inililihim ang kalagayan ng dating aktres
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2015 - 10:00am

PIK: Pinag-iisipan na ngayon ni Alfred Vargas kung paano niya maipalalabas uli ang pelikulang Supremo na pinuri rin nung ipinalabas ito sa mga commercial theater.

Hindi nga lang ito kasinlakas ng Heneral Luna, pero dahil sa success, marami ang nagsasabing dapat na ipalabas niya ito uli.

Pero na-inspire si Alfred na gumawa uli ng pelikula tungkol sa ating mga bayani at gusto sana niya ang kuwento ni Manuel L. Quezon dahil taga-Quezon City siya.

“Pero kailangan yata mag-take ako ng sandamakmak na glutathione. Pero sabi nila, parang kamukha ko rin daw siya eh,” pakli ni Cong. Alfred na magpapa-reelect pa ring representative ng 5th district ng QC.

PAK: Naikuwento naman ni Regine Velasquez sa presscon ng Regine at the Theater concert na ngayon lang pala siya nakapagparehistro sa COMELEC at nagpa-biometrics na raw siya.

Ngayon lang daw siya mai-involve sa darating na eleksyon dahil meron silang kandidatong susuportahan ni Ogie Alcasid.

Identified kasi si Ogie sa kasalukuyang admi­nistrasyon pero may isyung hindi raw nila susuportahan si Sec. Mar Roxas o ang partido ni P-Noy.

Meron na raw silang napiling susuportahan pero mas mabuting kay Ogie na lang daw ito mang­galing.

“Meron kaming mga pag-uusap but I think it would be best if you ask Ogie na lang. Ayoko na lang manggaling sa akin,” sagot ni Regine.

Mas naka-focus daw muna siya ngayon sa nalalapit niyang concert sa Solaire na naka-sche­dule sa November 6, 7, 20, at 21 dahil maituturing na ito raw ang pinakamahirap niyang concert.

BOOM: May nagkuwento sa aming na-transfer na raw dito si Amalia Fuentes na inatake sa Korea nung nakaraang linggo.

Nung nakaraang Miyerkules daw dumating kasama ang kapatid na si Cheng Muhlach, pero wala pang nagbibigay ng statement mula sa pamilya.

Tikom pa rin ang bibig ng magkapatid na Alex at Cheng kung ano na talaga ang kalagayan ni Amalia.

Pati nga si Niño Muhlach sa launching ng Frabelle Hotdog na ini-endorse ni Alonzo Muhlach ay ayaw talagang magsalita dahil wala raw siya sa posisyon na magbigay ng impormasyon tungkol sa kanyang Tita Nena.

Pawang haka-haka pa lang ang naririnig natin, na ang sabi ay paralyzed pa rin daw ang katawan ng dating aktres.

Ang narinig lang namin, pinagbabawalan daw ni Amalia ang mga kapatid niya na magsalita tungkol sa kalagayan niya. Kaya wala pang may nagbibigay ng statement mula sa kanyang pamilya.

ACIRC ALFRED VARGAS ALONZO MUHLACH AMALIA AMALIA FUENTES ANG CHENG MUHLACH LANG OGIE PERO STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with