Nangangamoy kasalan na Luis Angel kini-claim na ang pagiging mother-in-law ni Vilma
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2015 - 10:00am

Masayang-masaya si Angel Locsin dahil kabilang siya sa unang pelikula na ipalalabas ng Star Cinema sa 2016. Kasama ng aktres sa proyekto sina Xian Lim at Vilma Santos. “Ang aking future mother-in-law, ike-claim ko na po siya. Nakakatuwa na naisipan ng Star Cinema na kami ‘yung opening salvo. Hindi basta-bastang posisyon ‘yun so maraming salamat sa tiwala. Of course happy na ma-share ‘tong experience na ‘to of course kay Tita Vilma, ilang artista lang ba ang makakapagsabi na nakatrabaho na nila si Vilma Santos,” nakangiting pahayag ni Angel.

Napahanga raw talaga ang dalaga sa Star for All Seasons sa pagiging magaling na aktres nito. “She’s amazing, ibang klase. Kapag nasa set siya, laging piyesta. Masaya ‘yung mga tao. Looking forward, excited sa mga scenes na ginagawa namin. Laging may pagkain, laging siya ‘yung bangka sa kwentuhan. Nakakatuwa na itong mga taong napaka-successful na sob­rang down-to-earth and nagbibigay lang talaga ng happiness sa mga tao. Nakakatuwa siyang kasama, very inspiring,” kwento ni Angel.

Samantala, makakasama raw ng dalaga si Coco Martin sa isang proyekto sa susunod na taon. “I’m hoping na makagawa pa rin ako ng action serye o action na pelikula. And I’m excited to say na makakatrabaho ko si Coco na matagal ko nang inaawitan talaga. Akala ko imposible na siyang mangyari pero dahil ang ABS-CBN ngayon ay binigyan nila ako ng Coco Martin. So excited ako,” pagtatapos ni Angel.     

Anak ni Jolina mas una pang hinahanap sa taping

Magdadalawang taon na sa February ang anak nina Jolina Magdangal at Mark Escueta na si Pele. Madalas na isinasama ni Jolina ang anak sa trabaho kaya sanay na sanay si Pele na makihalubilo sa mga tao. “Sanay na sanay talaga siya kasi ‘pa sa taping sinasama ko siya. Alam na alam niyang makipag-tsikahan sa mga tao. Hindi siya ‘yung sumpong na kapag ganitong oras na ayaw na niya or nagtatago na lagi. Mas masaya siya ‘pag mas maraming tao. Mas active siya kapag gano’n,” pagbabahagi ni Jolina.

Minsan ay nauuna pa raw hanapin ng mga katrabaho ng aktres ang anak kapag nasa set. “Kapag nasa taping, parang si Pele minsan inuuna pa siyang hinahanap ng staff bago sila mag-hi muna sa akin. Inuuna nilang hanapin si Pele kasi nga sanay silang nando’n. Saka ‘yung mga tao sa taping or sa kahit saan alam na nila na may konting adjustment kasi may kasama akong bagets. Pero since si Pele ay hindi pasaway, kumbaga mahal din siya ng mga kasamahan ko,” paliwanag ng aktres.

Samantala, nagbabalak na raw sina Jolina at Mark na sundan na ang kanilang panganay. “Parang naisip namin next year, siguro sa last quarter. Siguro mga November 3, may date pa,” natatawang pahayag ni Jolina.

“Hindi, siguro mga next year pa. Sana girl ang next,” dagdag pa niya.

ACIRC ANG COCO MARTIN JOLINA MGA NAKAKATUWA QUOT SIYA STAR CINEMA STRONG VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with