Aktor inaangkin na magki-click ang bagong programa dahil sa kanya
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2015 - 10:00am

Naangasan ang mga reporter na nakarinig sa sinabi ng isang aktor na alam niyang magki-klik ang show dahil he’s part of the project. Nagtinginan ang mga reporter sa pahayag ng aktor na hindi nakangiti, kaya alam na seryoso sa kanyang sinabi.

Pinabayaan na lang ng mga reporter ang ilusyon niya  para bumalik ang self-confidence at mas gumanda pa ang kanyang trabaho.

Pero sana, maisip ng aktor na hindi siya ang bida ng show at hindi lang siya ang ibenebenta ng show kundi ang leading lady at story nito. Maisip rin sana ng aktor na may mga kasama siya sa cast na mas sikat at mas magagaling sa kanya at kasama rin sila sa mga rason sakaling mag-click ang mga ito sa viewers.

Lovi iniiba ang usapan ‘pag nababanggit si Rocco

Ang fans nina Lovi Poe at Rocco Nacino ang unang nakapansin na tila may problema ang dalawa dahil hindi sila nagpo-post ng pictures nila together sa Instagram (IG).

Sa presscon/launching nina Lovi at JC de Vera bilang endorsers ng Imono Steel Jewelry, pinuna ng press ang pag-iwas nitong sagutin ang tungkol sa kanyang lovelife at tungkol kay Rocco. Para maiba raw, ayaw muna niyang pag-usapan ang kanyang lovelife at gusto niyang maging private muna ang tungkol doon.

Nakakagulat dahil dati naman ay game si Lovi na pag-usapan si Rocco at ang kanilang relasyon. But that time, “’wag ngayon” ang sagot nito.

Anyway, sa sinabi ni Lovi na nasa last few days na sila ng taping ng Beautiful Strangers, ibig sabihin ay hindi na mai-extend ang soap na pinaka-favorite niya sa mga nagawa na dahil iba ang story at gustung-gusto niya ang kanyang karakter.

Kristoffer guguluhin sina Julie Anne at Jake

Mabuti naman at may bagong show sa GMA 7 si Kristoffer Martin dahil kasama na siya sa cast ng Afternoon Prime na Buena Familia. Kahapon siya nagsimulang mag-taping at ang role nito ay ka-love triangle nina Julie Anne San Jose at Jake Vargas.

Ang sabi, guest lang si Kristoffer.

Mahusay na aktor si Kristoffer at isa sa mga versatile Kapuso talents dahil sumasayaw at kumakanta rin siya.

Sana nga mabigyan din siya ng chance ng GMA Records na magka-album o kahit single muna.

Elmo sa ibang recording company na naka-kontrata

Habang under negotiation pa ang kontrata ni Elmo Magalona sa GMA Network, nauna muna siyang pumirma ng recording contract sa Universal Records. Pinost nito sa IG ang picture ng contract signing niya at sa caption na “Grateful for this day!!! Happy to say that I’m a part of @universalrecph family.”

Minsan nang naikuwento ni Elmo na may mga composition siya na gusto i-record at nabanggit din na tinutulungan siya ni JayR para makapag-record ng album. Excited na ang fans ni Elmo to listen to his songs!

In fairness, prinomote ni Elmo sa IG ang Dangwa na pinagbibidahan ng girlfriend niyang si Janine Gutierrez at nag-joke ng “Kung manonood din kaya ako nito, magkaka-love life rin ako @janinegutierrez...Hehehe!” Sinagot ‘yun ni Janine ng “Baka magka-love life ka rin. Thank you.”

Jose, Wally, at Paolo palung-palo ang akting sa bagong TVC nina Alden at Maine

Panalo ang second McDonald’d TVC (television commercial) nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub dahil kasama sina Lola Tinidora, Lola Nidora, at Lola Tidora, portrayed by Jose Manalo, Wally Bayola, and Paolo Ballesteros respectively sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Dream ito ng fans ng Kalyeserye na magsama-sama ang mga bida ng Kalyeserye.

Si Joey de Leon, tawang-tawa sa TVC ng JoWaPao at tweet nito “When I saw the TVC, TUWANG-TUWA Ang Poet Nyo! Cheers!”

ACIRC AFTERNOON PRIME ANG ELMO KALYESERYE KRISTOFFER LOVI MGA ROCCO SIYA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with