Bagong Darna pinipili na!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2015 - 10:00am

Ang TV series na Darna na katha ng namayapang nobelistang si Uncle Mars Ravelo ang siyang nagdala kay Angel Locsin to superstardom nung ito’y Kapuso star pa. Noong isang taon ay inanunsiyo ng Star Cinema na si Angel ang gaganap sa bagong movie version ng Darna na makailang beses na ring binigyang-buhay ng iba’t ibang actress at kasama na rito ang kanyang future mother-in-law na si Vilma Santos. At kung kelan malapit na ang pagsisimula ng principal photography nito ay saka naman umatras si Angel dahil sa kanyang spine problem sanhi ng kanyang pagkahulog sa kabayo nung nagsu-shooting pa sila ni Piolo Pascual sa pelikulang kanilang pinagtambalan.

Mahirap man ang naging desisyon ay kaila­ngang gawin ito ni Angel para makapaghanda rin ang Star Cinema at makakuha ng kanyang makakapalit.

Dahil sa pag-atras ng aktres muling nabuksan ang pagkakataon sa ibang Kapamilya stars na mag-aspire na sa kanila mapunta ang iconic role.

Tiyak na kasama sa line-up ng pagpipilian sina Anne Curtis at Coleen Garcia. Bagay din ang role kay Julia Montes at maging kay Liza Soberano pero siyempre, ang final say ay nasa pamunuan ng Star Cinema.

Sino kaya ang papalit kay Angel Locsin para gumanap sa bagong Darna sa pelikula?

JC hindi pinaghahandaan ang pag-aasawa

Malayu-layo na rin ang narating ng karera ng 29-year-old actor na si JC de Vera. After being part of GMA at TV5, lumipat naman si JC sa Kapamilya network two years ago at dito na nagpatuloy ang magandang takbo ng kanyang career.

“Part ng journey ko bilang actor ang stint ko with GMA ang TV5 hanggang sa paglipat ko sa ABS-CBN,” aniya.

“In my twelve years in the business, marami akong natutunan at kailangang matutunan pa,” pahayag pa niya sa intimate presscon ng Imono Steel Jewelry kung saan sila ni Lovi Poe ang pinakabagong celebrity endorsers.

Aniya, ang kanyang twelve years being with GMA and TV5 ay nakatulong sa kanya nang husto para ma-enhance siya bilang actor at ngayong nasa Kapamilya Network na siya, nabibigyan na siya ng mas mabibigat na assignments, bagay na kanyang ikinatutuwa.

Si JC ay kabahagi ng bagong TV series ng ABS-CBN, ang You’re My Home na pinagtatambalan nila ni Jessie Mendiola kung saan tampok din ang tambalan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Hindi man nagtuluy-tuloy ang namumuo na sana nilang relasyon ng ex-GF ni Paulo Avelino na si LJ Reyes, JC is now dating a non-showbiz girl na isang negosyante katulad niya.

Sa hindi nakakaalam, si JC ay isa sa may-ari ng Burgery na matatagpuan sa BF Homes, Parañaque at isa pang branch sa Circuit in Makati City. Kasosyo ni JC ang tatlo sa kanyang mga high school buddies.

At 29, malayo pa sa bokabularyo ni JC ang pag-aasawa.

“Actually wala naman `yan sa edad. When you think you’re ready to settle down darating na lamang `yon basta,” dugtong pa niya.

ACIRC ANG ANGEL LOCSIN ANNE CURTIS COLEEN GARCIA DARNA DAWN ZULUETA IMONO STEEL JEWELRY JESSIE MENDIOLA KANYANG STAR CINEMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with