^

PSN Showbiz

Kim sa kaparehong gown na sinuot ni Maine: Gown lang ‘yan, ang mahalaga mapasaya mo ang mga tao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ayaw nang palakihin ni Kapamilya star Kim Chiu ang isyu sa sinuot na gown ni Maine “Yaya Dub” Mendoza sa makasaysayang episode ng “Eat Bulaga” nitong Sabado sa Philippine Arena sa Bulacan.

Napansin kasi ng mga netizens na naisuot na ni Kim ang gown na pinili ni Liz Uy para kay Maine sa “Tamang Panahon” event ng longest running noontime show ng bansa.

BASAHIN: Gown na isinuot ni Yaya Dub sa arena ginamit na ni Kim Chiu!

Hindi man direktang sinagot ni Kim, idinaan niya sa Twitter ang kaniyang mensahe.

Nilinaw naman ng designer ng gown na si Francis Libiran na parte ng Spring/Summer 2015 collection ang naturang gown na inirampa ni Kim noon pang 2013 'Francis Libiran Metrowear Icon' fashion show sa EDSA Shangri-la.

"We are so glad, honored and grateful that Maine Mendoza and her official stylists, Stylized Studio Inc., chose a beautiful Francis Libiran dress from our Spring/Summer 2015," paglilinaw ni Libiran.

"Our good friend Miss Kim Chiu was generous enough to model this gown for the said fashion show. This gown has not been worn at any other event by any other celebrity.," dagdag niya.

 Hindi na rin naman napigilan ni Eat Bulaga host Allan K na patulan ang mga gumagawa ng isyu sa gown.

ACIRC

ALLAN K

ANG

COM

EAT BULAGA

FRANCIS LIBIRAN

GOWN

KIM CHIU

QUOT

TWITTER

YAYA DUB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with